Mahigit tatlong buwan na rin akong nagba-blah-blah-blah-ging. Kung anong ikinatahimik ko sa personal ay gayun na lang din kadali sa akin ang magdaldal online. Naisip ko nga, bumili kaya ako ng white board at marker at nang yun na ang gamitin ko sa araw-araw na ‘pakikipag-usap’. Watchatink?
Balik sa pakay ko sa post na ito. Gusto kong magpaalam sa taong lilipas sa iilang oras na lang. Sa year 2012 lang. Ayan ha, klaro na yan. Hindi pa ako aalis sa blogosperyo. Siguro ay mas magiging minsanan na lang ang mga post dito, pero yeah, hindi ko pa ito officially inaabandona.
Naging makulay ang buhay (teka, parang narinig ko na ito) ko sa blogosperyo.
Maraming salamat sa mga mambabasa na kahit parang wala naman masyadong makabuluhan ang nababasa ay nagbabasa pa rin.
Maraming salamat sa mga commenters (madadaldal din, ayaw papigil sa pagcomment), sana di kayo magsawa.
Sa mga bumibisita kahit napilitan lang, salamat at napilit ko kayo.
Sa mga taong walang kaalam-alam na sila na ang bida (o kontrabida) sa blog kong ito, maraming salamat at nariyan kayo para may pwedeng pag-usapan din paminsan-minsan.
At ikaw, oo ikaw, na laging nariyan.
Kitakits sa 2013!
_________________
Expect stories from the hospital. Sisikapin kong magkwento nang hindi nava-violate ang confidentiality. Sana hindi ako makulong. Pedia ward pa naman ako na-assign. Mukhang magiging masaya ito.
Ito na officially ang last post ko this year. *teary-eyed* *humihikab*