Minsan may isang Tanga

Minsan may isang umasa
Naniwala
Na sa bawat sulyap
Bawat tingin
May ibig sabihin.

Sa mga oras na kausap siya
Pinangarap
Ang makasama siya sa byahe
Pauwi
Sa bahay,
Sa tahanang bubuuin…

Sa alapaap.
Sa kawalan.
Wala.
Naglaho, gumuho…

Ang noon sanay magandang pagkakaibigan biglang naglaho, gumuho.

Ang mga larawang ipininta sa isipan… naglaho, gumuho..

Ang mga pangakong hindi napanindigan,
Di nabitawan.. di nasabi,

Di naipadama.

Kasi nga,
Minsan,
Kahit ilang medalya, tropeyo, kampyonato, ang iyong mapanalunan,
Di maiiwasan,
Sa pagmamahal,
Minsan, may isang tanga.

Advertisements

Natatapos din ang ulan

 

Ito ang klase ng ulan

Na lamig at lungkot ang iniiwan

Baha at basura sa daan

Paa’y pinuputikan.

 

Ito ang klase ng ulan

Na hindi mo mapipigilan

Basta na lang bumabagsak

Bumabasa sa unan.

 

Pero ito’y natatapos din

Nakakagaan ng damdamin

Ang tubig na dumadaloy

Lungkot ay inaagos

 

Sapagkat sa bawat ulan

May darating na katapusan

Ang dilim at ulap ay mahahawi

At papalit ang ngiti

 

Babaunin mo ang mga natutunan

Gaano man kasakit ang pinagdaanan

Na sa lamig, may apoy na nag-iinit

Mula sa sarili, sa puso,

Sariling ligaya makakamit.

You On a Monday Morning…

 

It has been awhile since I last dreamt of you

I wonder what brought me up again this instance

When love, hate, and longing is back,

Missing you now,

A lot.

 

In my dream…

I saw you with someone else,

Trudging the road where everybody else

All smiling and laughing, his arms on your shoulder

Kept you close to him,

I am in the background

Doesn’t matter.

 

Oh, how magnificent news could it be,

To hear you parted ways with him, permanently

The borrowed time we have together,

Could we make it last forever?

 

A big NO you would say,

That would never happen,

In my dismay

Your heart’s been broken by his arrogance

Can you let me fix it,

Give me the chance?

 

I will understand no matter how hurtful your decision may be,

For I know, A friend, that’s all you want me to be

But this poor fellow will always be here for you

Just turn around, remember

You can lean on me too.