Kasado na

 

Nagsimula sa Physics lab ang lahat. Magkatapat ang classroom. Nagkatinginan. Nagkainlaban. They found love in that hopeless place. In lab at physics lab.

Sino nga ba ang mag-aakalang habang abala ako sa pagko-compute sa mga torque at tension ek-ek, eh may nagpapasahan na pala ng titig. Margin of error: 0%.

Gusto kong ireminisce ang panahong pinagsamahan ng seatmate/cheatmate kaibigan kong ito at kung bakit sa tingin ko’y na-bother nya akong isali sa entourage.

Magclassmates kami nitong babaeng ito simula first year college. At dahil hindi rin magkalayo ang mga apelyido eh, magkatabi kahit alphabetical ang seating arrangement.

“DON’T BOTHER ME!!”

Yan ang naging ugat ng una naming tampuhan. Problemado ako noon at mainit ang ulo. Bago ko lang nalamang namatay ang lola ko sa probinsya. Hindi ako makauwi dahil sa exams. Algebra yun, at kahit na medyo may kagalingan ang inyong lingkod kapag kwentahan na ang labanan ay umabot din sa boiling point sa pangungulit ng katabing mangopya.

Matapos ang konting iyakan at sumbatan, nagkabati din naman. Siyempre, mahaba-haba pa ang sem. hahaha Pero basta English at memoryahan lang, sya naman ang maasahan.

Nasundan pa ang tampuhang iyon. Pero sabi nga nila, parte daw yun ng pagkakaibigan. Yung magkapatid nga na magkadugo nag-aaway, kami pa.

Hindi ko naman masabing bestfriend niya ako at ako man sa kanya. Hindi kami ganun. Pero real friend naman siguro ako, I think. Naibahagi ko naman ang ilang birthdays kasama siya, nandun ako nung namatay ang papa niya, nakapagdonate din ako ng dugo para sa ate niya, nahingahan na rin ng problema, nagpakalma, nagpautang, nangutang, nahingan ng pabor, nagtago ng sikreto, rumespeto, at marami pang iba.

At heto na nga, naisuot na ang barong, natapos na ang okasyon.

Groomsmen ang inyong RD. Representative ng barkada. Pupunta kahit gaano kalayo, basta lakwatsa may halaga.

Heto ang kuha matapos akong lumapit para sa “money dance” kuno. Nagdemand ng 1000 ang maganda! Dalawang zero lang ang kaya ko. Asawa nya yang seaman.

 

Thanks to Eve for the pic. (To camera 360, magic skin effect as well.)

Thanks to Eve for the pic. (To camera 360, magic skin effect as well.)

 

Sa pagkahaba-haba man ng selebrasyon, sa handaan sa may covered court din ang tuloy. hahaha

Congrats Chuck and Jessa! Best wishes!

 

_______________

Special thanks to Mighty Bond sa pagiging epektibong pandikit sa nasira kong sapatos a few minutes bago ang kasal. At kay Joem sa pagbili. haha

 

 

Kontrabidang Kuya

Me: Malinaw na ba ang lumalabas na tubig sa gripo?

LilSis: Medyo marumi pa rin ng konti.

Me: Ah, parang mukha mo pa rin pala. XD

___________________________

LilSis: Ang maganda sa rebond ng buhok ko, kahit na itali ko, kapag naligo ako at sinuklay, nagiging straight ulit.

Me: Oo nga noh? Straight pa rin. Parang katawan mo lang. XD

_______________________________

Yan ay ilan lang sa mga latest banat ko tuwing tipong nagpapaka-vain ang kapatid ko. Or kung trip ko lang talagang mambasag ng trip. Ewan ko, ganito ba talaga ang mga kuya? Parang ang sarap kasing mang-asar! hahaha :p

Sibling rivalry? wala naman masyado. Pero meron. Meron at meron din. Sa tingin ko naman parang napepressure siya na pantayan o higitan ang mga yapak ko. Size 11 kaya paa ko!

Pero ganun na nga, sabi ko pa sa comment ko sa facebook status niya nung graduation,

Iba iba kami ng talento.

Mas marami nga lang ang meron ako.

:Dv

_____________________________

Anyway, nais ko lang naman sanang i GOOD LUCK ang kapatid ko sa nalalapit na board exam! alam kong kaya mo yan! Ako kaya ang trainor mo! haha

P.S. May pustahan nga pala kami na kung mahigitan niya ang board rating ko, ibibili ko siya ng cellphone, yung may camera. Ang galing dba? Pero mahirap yun. Trust me, mahirap. bwahahahaha *evil laugh*

pero hindi imposible.

Paalam Baby

Last day ko na sa Pedia kahapon.  Day off ako ngayon. At sa katahimikan ng kwarto koy nami-miss ko na…

ang mga iyak ni baby kapag nagbibigay ng injection,

kung paanong hindi nauubusan ng dislodged IV sa listahan,

ang mga bagong nanay na tinuturuan,

ang mga sobra kung mag-alala,

may iba namang mga burara.

ang mga kaibigan, kasamahan

sa trabaho at kulitan

mga bagong kakilala.

___________________

Tapos na sa senti. Hindi ko na kayang magtutula-tulaan. Ngayon, kwento naman tungkol sa mga di malilimutang karanasan.

1. Knock-Out. Sinasadya yata ng pagkakataon na kung day off ko eh may nagaganap na mga pangyayari, yung out of the world. Ganito kasi yun, nitong Marso, ang pinakamatagal naming pasyente (malapit na mag-3 buwan) ay papagaling na at kailangan ng dugo para sa napipintong operasyon sa bukol sa ilong, naghahanap ng dugo ang ina. Siguro ay dahil na rin sa stress ay nagkainitan ng ulo ang mag-asawa, nauwi sa pisikalan. Sinuntok ni lalake sa braso ang babae. nag-counter punch si ate at sapul sa panga si lalake. Nawalan ng malay. Parang Pacquiao lang ang trip. Sa pag-iisip na babalik rin ang ulirat, eh pinabayaan lang na humiga sa sahig yung lalake. (hindi rin siya kakasya sa crib)  Lumipas ang  limang minuto hindi pa bumangon… kaya nilapitan na ng nurse, “hey hey are you okey?”. walang response. tumawag ng doktor. May pulso, humihinga, pero hindi stable. Nag-seizure. Napuruhan nga ata. Dinala sa emergency room. Nanatili ng isang araw. Pumirma ng waiver at bumalik sa ward kinabukasan. Sweet na ulit sila sa isa’t isa. Parang wala lang.

2. Extra Extra!  May bagong tayo na Pedia pavillion thru the efforts of Sir Migz Zubiri. Kaya naman, may taping! para sa election ad daw. hahaha 😀 ayun, pinili ang mga may mukha. Syempre, hindi ako kasama. pero after 2 hours of taping, eto yung resulta. Tanging isa lang sa apat na umextra ang nahagip ng camera. at 0:16. Yung cute na mga bata sa 0:21 kilala ko yun!  hahaha nakaka proud. nasa tv na sila, higit pa dun, gumaling na.

3. Mountain View. Sa tindi ng stress, eh kailangan talagang mag-unwind. At kung unwind din lang naman, after duty hours lang ang pinaka swak. Kaya nung present lahat (walang may day off sa grupo), na nagkataong birthday rin ng isa, eh plano na agad para sa lakwatsa. Ang mamundok. Kain. Usap. Laro. Tawa. Yun lang hanggang umaga.

watching sunrise together

watching sunrise together. marshmallows for breakfast.

__________________________

Top 3 lang yan. Marami pang iba. Sa paghihiwa-hiwalay na namin ng susunod na area, ang samahan, mga alaala ay mami-miss ko sobra. Pero ganun talaga. Kailangan na namang mag-adjust.  Di bale, marami namang bagong skills para makapag-level up.

Medyo napabayaan ko na yata talaga ang blog kong ito. Ano pa kaya kung nasa ER na ako? Good luck to me!

Happy Easter sa inyo! God bless!