Project Burger (update 1)

Matapos ang isang buwan nang nag-desisyon ako kung anong trip ko ngayong pasko, nakaipon na ako ng 300+ pesos sa alkansya (hindi na nga pala mineral water bottle ang alkansya ko, kidney basin na), pitong tao na ang nagboluntaryong tumulong, at nakalikom na ako ng kulang-kulang isang libo. Wow!

Sa una, pang-small time lang talaga ang layunin ko. Pangongopya lang nga ito sa ginawa ng ilang mga bloggers (bagotilyo et. al.). Ayun, na inspire si RD. “Imitation is the greatest form of flattery.” Iso-sottocopy ko na nga rin yan.

 

PB: Level Up

Dadagdagan na din namin ng used clothes (ideya ni Jkob). O dba, parang santa claus na talaga kami nito sa dami ng bitbit namin, papamigay sa mga street pipol. So ayun, marami-rami naman ang generous kong klasmeyt.

Sa aking G-force pamily, (Section G kami nung college, iba kami dun sa dancers sa ABS) maraming salamat sa inyong support sa ideya (na kinopya) kong ito. Kay ate karen, joem, jkob, eva, carol, steve, erika, at sa mga sasali pa, God bless sa ating lahat.

Baka nga in a spur of the moment maging project burger mcdo na ito. hahaha 😀 plano na rin naming samahan ng juice. Para naman hindi sila mabilaukan. Edi bigla pa kaming mapapa-Heimlich maneuver pagnagkagayon.

Kasalukuyan naming inaayos kung kelan ba talaga namin ito magagawa ng sama-sama. Tight ang skedyul. Mahirap i-matching type ang mga araw na available ang isa’t isa. Yun lang. All in all, parang halos buo na ito. Excited na ako! 😀

___________

Sana nga ay maging matagumpay ang layunin naming ito. Ipinapanalangin ko na marami pang tao ang maging mabait sa kapwa. AMAsay, AMAproud to be in God’s army.

Kayo dyan sa lugar nyo? Bat di nyo rin simulan sa maliit na bagay-bagay. Baby steps before big leaps.

Advance Merry Christmas sa inyo!

39 days more to go!

Para sa Pasko

Naisip ko lang, malapit ko ng mapuno ang alkansiyang gawa sa mineral water na minsan natambak sa bag, ano ang bibilhin ko?

Puro tigpipiso [lang naman] ang laman nun. Puro makikintab na tigpi-piso ang laman nun. Ewan ko ba at bakit nabighani ako sa kintab ng mga bagong barya kaya parang nanghihinayang ako kapag ipinambabayad ko sila. Pwede na ako sa pshychia ward noh? OC.

Dahil 500ml bottle lang yun, nasa 200 pesos lang yata tantya ko. Naisip kong sa isang taon kong pagpuno sa alkansya, dapat ay may justice ang pagkakagastusan ko.

Kaya itataya ko siya sa lotto.

Ni sa swertres nga hindi ka nanalo.

 Ibibili ko ng cam! 

Anong cam? 200 pesos? Camera?

Eat all you can na hapunan!

Tumataba ka na sabi ni Sam. 

Ibili ng libro sa Booksale!

Selfish! Mag download ka nlng ng pdf.

Ibili ng bagong wallet!

May ilalagay ka bang pera?

Reregaluhan ka naman ni Danica, sabi niya.

I-donate sa simbahan.

Masyadong Passive ka na naman.

Sa iilang minuto kong pagmumuni-muni [tinamaan ng ka-emohan], naisip kong why not give it to others. Isang *ting* bright idea! Pero paano?

Kaya nitong umaga, nang mapadpad ako sa post ni bagotilyo, Ang project burger. , naisip kong bakit hindi ko subukan dito sa Cebu. Hindi naman ako nabigo at may apat agad akong naimbitang samahan ako. Sana nga ay maging matagumpay ito. Plano kong sa kahabaan ng Jones Avenue / Osmeña Boulevard kami maglalakad-lakad. Bonding na rin naming barkada. Parang jogging na rin pantanggal ng bilbil.

Ngayon pa lang naaaninag ko na

Ang kislap sa mga mata

Na magagawa ng makikintab na barya.

Ang ngiti sa kanilang mga labi,

Ang tamis ng pasasalamat,

Ang gaan ng loob

Ang di mapantayang kaligayahan

Maipahayag ang Kanyang Pangalan.