Paalam Baby

Last day ko na sa Pedia kahapon.  Day off ako ngayon. At sa katahimikan ng kwarto koy nami-miss ko na…

ang mga iyak ni baby kapag nagbibigay ng injection,

kung paanong hindi nauubusan ng dislodged IV sa listahan,

ang mga bagong nanay na tinuturuan,

ang mga sobra kung mag-alala,

may iba namang mga burara.

ang mga kaibigan, kasamahan

sa trabaho at kulitan

mga bagong kakilala.

___________________

Tapos na sa senti. Hindi ko na kayang magtutula-tulaan. Ngayon, kwento naman tungkol sa mga di malilimutang karanasan.

1. Knock-Out. Sinasadya yata ng pagkakataon na kung day off ko eh may nagaganap na mga pangyayari, yung out of the world. Ganito kasi yun, nitong Marso, ang pinakamatagal naming pasyente (malapit na mag-3 buwan) ay papagaling na at kailangan ng dugo para sa napipintong operasyon sa bukol sa ilong, naghahanap ng dugo ang ina. Siguro ay dahil na rin sa stress ay nagkainitan ng ulo ang mag-asawa, nauwi sa pisikalan. Sinuntok ni lalake sa braso ang babae. nag-counter punch si ate at sapul sa panga si lalake. Nawalan ng malay. Parang Pacquiao lang ang trip. Sa pag-iisip na babalik rin ang ulirat, eh pinabayaan lang na humiga sa sahig yung lalake. (hindi rin siya kakasya sa crib)  Lumipas ang  limang minuto hindi pa bumangon… kaya nilapitan na ng nurse, “hey hey are you okey?”. walang response. tumawag ng doktor. May pulso, humihinga, pero hindi stable. Nag-seizure. Napuruhan nga ata. Dinala sa emergency room. Nanatili ng isang araw. Pumirma ng waiver at bumalik sa ward kinabukasan. Sweet na ulit sila sa isa’t isa. Parang wala lang.

2. Extra Extra!  May bagong tayo na Pedia pavillion thru the efforts of Sir Migz Zubiri. Kaya naman, may taping! para sa election ad daw. hahaha 😀 ayun, pinili ang mga may mukha. Syempre, hindi ako kasama. pero after 2 hours of taping, eto yung resulta. Tanging isa lang sa apat na umextra ang nahagip ng camera. at 0:16. Yung cute na mga bata sa 0:21 kilala ko yun!  hahaha nakaka proud. nasa tv na sila, higit pa dun, gumaling na.

3. Mountain View. Sa tindi ng stress, eh kailangan talagang mag-unwind. At kung unwind din lang naman, after duty hours lang ang pinaka swak. Kaya nung present lahat (walang may day off sa grupo), na nagkataong birthday rin ng isa, eh plano na agad para sa lakwatsa. Ang mamundok. Kain. Usap. Laro. Tawa. Yun lang hanggang umaga.

watching sunrise together

watching sunrise together. marshmallows for breakfast.

__________________________

Top 3 lang yan. Marami pang iba. Sa paghihiwa-hiwalay na namin ng susunod na area, ang samahan, mga alaala ay mami-miss ko sobra. Pero ganun talaga. Kailangan na namang mag-adjust.  Di bale, marami namang bagong skills para makapag-level up.

Medyo napabayaan ko na yata talaga ang blog kong ito. Ano pa kaya kung nasa ER na ako? Good luck to me!

Happy Easter sa inyo! God bless!

All Over Again

History repeats itself.

Talaga nga ba?

Announcing the arrival of … *drum roll*… another crazy girl. Well, she’s beyond that, so I’ll tag her “XD”. That smiley seem to fit her anyway.

It was another boring night that I settled myself surfing the net reading about the latest news, trying to keep up with Survivor Caramoan episodes when my facebook chatbox turned red and her name popped up.

“Ang arte naman… :(”  was her message.  Confused she might have just mis-sent the message, I inquired. Only to find out she had PMed me ever since February telling me that…she likes me. Haha

What a conversation starter! The fact is, she’s a quite beautiful young lady. Chicks kumbaga. 

Tatagalugin ko na mula dito kasi kokonti na lang English ko sa bulsa. At para na rin mabagot siya, kung sakaling mapadaan siya dito (naiinis siya magbasa ng tagalog).

Ayun na nga, tumaas ang pulso ko nun. Crush daw ako? ha? Eh isang beses nga lang kitang nakita ng personal? At bakit biglaan? Ano yun? just one night, you happen to scroll by my facebook account and then boom! you decided to make me your next boy. hahaha

Ang yabang ko noh? Chance ko na sanang magka girlfriend, nang hindi nag-eeffort! pero, ang sagwa naman. Kaya sumakay na lang ako sa trip nya. Ooops! It’s not what you think it is. Dahil nurse nga ako, ginamit ko ang natutunan tungkol sa Therapeutic Communication (oh, the Psychiatry days). At si XD ang aking pasyente. Manic with sexually provocative behavior  .

Ewan ko kung naging therapeutic nga ba ako or nakasama pa. Presenting reality ang una kong tactic. Sinabi ko kung anong klaseng tao ako…kung gaano ako kasama, ka-boring, ka-weird pero ayaw paawat si ate, “I like you. Period.” daw. Akalain mo yun? Pero sabi din naman niya, “alam kong may mahal ka…”

Alam mo naman pala eh! 

Hiningi nya number ko. Sinubukan kong ilihis ang usapan pero baka maglaslas ng pulso kaya binigay ko na lang. At ng mapansin nyang hindi ko hiningi ang number niya, binigay nya na rin lang. Sinave ko naman sa phone sakali magtext, alam kong siya yun.

Business student siya. Naisip ko… ano to? selling yourself? baka project niyo lang to sa finals ah!? Sa halip, inaya ko na lang siyang maging kaibigan muna kami. Magkakilala ng mas maigi. Counter attack naman niya, “mas maganda, thrilling.” Pero hindi papatalo ang bida niyo, depensa ko naman, “dangerous!”

Masarap ang instant mami. Pero masama sa kidney.

Walang pakundangang ni-like niya halos lahat ng mga profile pic ko sa fb. Ni raid ang mga albums. Bumisita dito sa blog. At hindi masyadong nagbasa. Mabuti na lang. Malabo daw mata niya at hindi kayang magbasa ng matagal. Teka, wait, malabo ang mata?! yun na nga! “Baka hindi mo nakikita ng klaro kung gaano ako kapangit?”

Pero ayaw paawat eh. 3 days daw. Maghihintay siya. Yes or No.

Ito ba yung tinatawag na 3-day sale sa business? marketing strategy? kailangan may deadline para ma pressure ang mamimili na bumili kahit hindi rin naman talaga kailangan?

The following day ay bombarded na ako ng texts like “kumain ka na?” Ingat ka..sa pagkain, pagtulog, pag-uwi…” seriously? ingat sa pagtulog? anong delikado sa pagtulog? sa pagkain?

Bagamat dapat sana’y natutuwa ako sa ginagawa niya, simpleng pagka-miss lang ang nararamdaman ko. Nagbabalik ang mga alaala at munting lihim na pangarap na sana’y ang taong minamahal ko ang siyang nag-aalala sa akin ng ganito. Na miss ko si mama. 😉

_______________

It is our choices that show what we truly are, far more than our abilities. –Prof. Dumbledore

And I chose to break her heart… take it slow.

The thing is, naging lesson na sa akin ang nakaraan. Na hindi dapat minamadali ang pag-ibig. Sabi ni XD, baka maging kagaya daw ang kwento namin dun sa pelikulang Wedding Daze. Ngunit pelikula lang yun. Gawa ng imahinasyon. Hindi tunay.

Pero nagpapasalamat pa rin ako, dahil nagsilbing pampukaw pa rin siya sa natutulog na ako. Dahilan upang muli kong buksan ang puso. Timbangin ang mga bagay bagay. Malaman kung alin ang nagpapaligaya sa akin ng tunay. Maging loyal.

God puts everything for a reason. She is either a blessing or a lesson.

She is a lesson. She made me realize that only Sam could make me feel happy in spite of the little things she do. Nothing compares. She is the only one who clears my mind, making me capable of writing. An inner source of inspiration that bathes my soul.

________________

History repeats itself.        If we let it.

 

 

History repeats itself.         To give us a second chance to make things right.

 

 

 

idlip

Ang daming dapat ikwento pero hindi ko alam kung paano.

Huling labinlimang araw ko na lang sa pedia.

Ang trip sa mall at nakita si Kathryn at Daniel Padilla.

Kung alin ang ireregalo sa sarili, bagong cellphone o digital camera.

Ang pagkaka humaling ko kina Ser Chief at Maya.

At higit sa lahat kung paanong ang isang dalaga,

Sa flatline kong lablayp gumambala.

hapong hapo

hapong hapo

Lapis ko na nga ba’y pumupurol?

Bumalik ka na aking pantasa.

Sa ngayon, matutulog lang muna.

Day off na eh. oras na.