Minsan may isang Tanga

Minsan may isang umasa
Naniwala
Na sa bawat sulyap
Bawat tingin
May ibig sabihin.

Sa mga oras na kausap siya
Pinangarap
Ang makasama siya sa byahe
Pauwi
Sa bahay,
Sa tahanang bubuuin…

Sa alapaap.
Sa kawalan.
Wala.
Naglaho, gumuho…

Ang noon sanay magandang pagkakaibigan biglang naglaho, gumuho.

Ang mga larawang ipininta sa isipan… naglaho, gumuho..

Ang mga pangakong hindi napanindigan,
Di nabitawan.. di nasabi,

Di naipadama.

Kasi nga,
Minsan,
Kahit ilang medalya, tropeyo, kampyonato, ang iyong mapanalunan,
Di maiiwasan,
Sa pagmamahal,
Minsan, may isang tanga.

One thought on “Minsan may isang Tanga

  1. Bigyan ng tinig itong munting makata
    Ng sa gayun ay marinig ng mabuti
    Mga Salitang kaytagal ng naantala

    Kwento ng pagkakaibigan
    Kwento na hindi kailanman inaasahan
    Isang masayang kwento
    Isa sanang masayang kwento.

    Sa’n ba ko magsisimula?
    Mahina man ako sa story telling..
    Pagbigyan nalang ang aking hiling
    Itong Mga kataga ay dinggin..

    Kaibigan ko..
    Patawad.
    Patawad sa paglisan ng wala man lang paalam.
    Patawad kung hindi ko nasabi sa’yo ang aking suliranin.
    Mga taon man ay nagdaan..
    Hindi ko malimot limot ang mga sandali ng ating pagkakaibigan..
    Sana ngayong pasko, ako ay iyong mapatawad.
    Maging masaya na sana tayo sa ating mga buhay.

Be real. Spill it. What do you think?