Ayokong maghelmet!

Ang susunod na post ay kathang isip lamang. Patnubay ng magulang ay kailangan. Rated SPG. 

Wag kayong magsuot ng helmet!  Ewan ko ba kung sino ang nakaisip ng ganyang ideya tol. Badtrip!

Ayokong maghelmet. Nakakasira ng hairstyle! Gusto ko yung kitang kita ang tayong tayo kong buhok. Lalo na kapag dumidikit lahat ng alikabok at usok sa buhok ko! Ang sarap ng feeling!

Ayokong maghelmet. Nakakawala ng porma. Natatabunan ang kagwapuhan ko sa l*ntik na pananggalang na to. Ayokong magmukhang pulis pangkalawakan o si Shaider. Di bale nang delikado.

Ayokong maghelmet. Ang init! Gusto kong matusta ang ulo ko sa gitna ng trapik. Gusto kong mabasa ang ulo ko sa ulan lalo na’t gabi at malamig.

Ayokong maghelmet. Ang mahal kaya. Kailangan pa talaga yung may sticker?! Ang haba pa ng pila. Ang pangit pa ng design ng sticker! Sana bungo na lang!

Ayokong maghelmet.  Kapag naaksidente ako, gusto ko yung kakalat ang bungo at utak ko sa kalye.  Ang bangis nun! Kesa naman sa loob lang ng helmet ang intact na ulo ko.

photo from motorcycleinsurance.com

Iwasan ang kaligtasan! Wag mag helmet!

Advertisements