Paalam, Salamat

Mahigit tatlong buwan na rin akong nagba-blah-blah-blah-ging. Kung anong ikinatahimik ko sa personal ay gayun na lang din kadali sa akin ang magdaldal online. Naisip ko nga, bumili kaya ako ng white board at marker at nang yun na ang gamitin ko sa araw-araw na ‘pakikipag-usap’. Watchatink?

Balik sa pakay ko sa post na ito. Gusto kong magpaalam sa taong lilipas sa iilang oras na lang. Sa year 2012 lang.  Ayan ha, klaro na yan. Hindi pa ako aalis sa blogosperyo. Siguro ay mas magiging minsanan na lang ang mga post dito, pero yeah, hindi ko pa ito officially inaabandona.

Naging makulay ang buhay (teka, parang narinig ko na ito) ko sa blogosperyo.

Maraming salamat sa mga mambabasa na kahit parang wala naman masyadong makabuluhan ang nababasa ay nagbabasa pa rin.

Maraming salamat sa mga commenters (madadaldal din, ayaw papigil sa pagcomment), sana di kayo magsawa.

Sa mga bumibisita kahit napilitan lang, salamat at napilit ko kayo.

Sa mga taong walang kaalam-alam na sila na ang bida (o kontrabida) sa blog kong ito, maraming salamat at nariyan kayo para may pwedeng pag-usapan din paminsan-minsan.

At ikaw, oo ikaw, na laging nariyan.

 

Kitakits sa 2013!

_________________

Expect stories from the hospital. Sisikapin kong magkwento nang hindi nava-violate ang confidentiality. Sana hindi ako makulong. Pedia ward pa naman ako na-assign. Mukhang magiging masaya ito.

Ito na officially ang last post ko this year. *teary-eyed* *humihikab*

 

 

11 thoughts on “Paalam, Salamat

  1. medyo broken hearted ako ngayong huling araw ng 2012 kaya out of ka-emohan nadaan ako sa blog mo. nabasa ko ang official last post mo atnatuwa ako sa (wow may snow!!! anyway) un nga natuwa ako sa in the eyes of a four-eyed monster kasi nakakarelate ako. tsaka ayun nakakarelate lang talaga ako sa nabasa kahit mukhang magulo ang comment ko at mukhang pati utak ko ngayon ay broken din relate talaga ako pramis. hahaha (ano daw sabi ko?) Happy New Year!!😀

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s