Balikat at braso

Hindi ganun kalaki ang mga braso’t balikat ko. Ang tsansa na matawag na fit or muscular o yung tipong gusto mong sandalan ay malayo pa sa tsansang mag-doktor ako. Pero OO, may mga nagtiyagang sumandal sa balikat ko. May highlight talaga yung MGA. (yabang men!)

Hindi ako sigurado kung gusto lang ba nila yung Bony kong balikat, hindi naman ako nagpapabango kaya crushed out na rin yung baka gusto lang nila yung amoy ko. Oh wait, baka nga! O.O

Pero hindi eh, baka nga lang talaga inaantok na talaga sila nung mga oras na yun. At ako, bilang medyo may katangkaran eh saktong sakto lang sandalan ng ulo. Men, ang swerte ko at katabi ko silang bumyahe. haha

Sabi nila, isa daw sa mga ‘errogenous zones’ ng mga lalaki ay yung balikat at braso. Kagaya ng mga labi, likod ng tenga, inner thigh, at kung ano pang naiisip mong errogenous down there. It sends signals daw to the brain and stimulates emotions of affection (?). 

Kaya naman kung mapapansin niyo, gusto naming mga kalalakihan yung hinahampas sa braso, tinatapik, hinahawakan, at syempre, sinasandalan. Kaya ingat girls, now you know.

____________________________

Alam mo yung feeling na kahit ngawit na ngawit ka na sa posisyon mo ay ayaw mo pa ring gumalaw kasi baka magising siya. Yung feeling na sana malayo pa ang rutang tahakin ng jeep para mas matagal ang moment. Alam mo yung gusto mo na ring magpanggap na tulog para masandal mo rin yung ulo mo sa ulo nya. Yung amoy na amoy mo ang bango ng shampoo /  pawis niya. Yung natitigan mo siyang nakapikit lang at mahimbing. Yung tumutulo ang laway niya!

Iba.

Iba talaga.

 

 

Hello there mga ka blog! Happy Sunday!

 

Advertisements

Chainsaw part 2

Matapos naunang umalis ang barko nina Sam, nakatulog ako. Hapong hapo. Hindi nga ako nakayang gisingin ng mga nag-inspect ng ticket. hahaha Nasa bulsa ko lang ang ticket ko.

Bumaba ako ng 3.30 ng umaga sa Ormoc. Sumakay ng pagkabagal-bagal na bus na umalis ng 4.30 at dumating ng 7.30am sa lungsod namin. Sinundo ako ni papa.Dumating sa bahay ng mga bandang alas 8. Kumain ng paksiw na isda. Nabusog. Nagtoothbrush at naghilamos. Pumunta sa alma mater noong hayskul para sa pinadalang request for form 137 ng kaklase ko noon.

Nagkataong school fiesta pala sa martes. Na-holdap ako. Agad agad may solicitation letter. Nakakatuwang ang laki na ng inunlad ng paaralan ko. Andami ng bagong buildings at dumami ang population ng students at teachers. May pasaring pa nga’ng baka gawin akong guest speaker sa Marso. (hmmm, actually gusto ko naman pero pakipot muna.) hahaha baka mahirapan ako sa skedyul ng trabaho. at sa paghahanap ng masusuot na disenteng damit.

School Paper adviser: uy, dale! kumusta? antaba mo na. may girlfriend ka na ngayon? 😀

RD: uhm,, wala pa po ulit ngayon.

SPA: ha?! Uy maam! wala pa din daw siyang girlfr. hahaha maghanap ka na.

Pero heto ang mas matindi.

SPA: alam mo RD, sa tuwing may pakontest sa ibang division, ikaw, si AG, at F ang talagang naiisip namin. Kayo lang talaga ang all around na kayang mag Science, Math, English, atbp. contest.

AWwwwww. na touch naman ako dun. Napunta ang usapan namin sa mga achievements ng school (lalo na ang school paper namin noon), sa kung bakit ako umuwi, at planong mag abroad balang araw. May mga bilin na nga sila kung anong gusto nilang ipabili sa akin.

Sir Araling Panlipunan: RD, bago ka umalis. Tingnan mo muna itong relo ko. Mukhang sira na eh.

RD: bilhan ko na lang po kayo ng strap. hahaha strap lang ang afford ko.

Pakiramdam ko ay artista ako. Sikat eh. Andaming mga studyanteng nag-Hi. Pati na dating tindera sa suking bilihan ng snacks. Nostalgic ang pagbisita kong iyon.

____________

Matapos ang high school ay elementary naman ang tinungo ko. Andun si Mama. Nadatnan ko siyang nagka-klase. May seatwork ang mga bata kaya pinapasok na agad ako.

Studyante: Uy! May artista! 

Stud 2: Si Coco Martin! 

hahaha! sa panaginip ko lang ito.

Titig lang ang natanggap ko sa kanila. Mahaba-habang kumustahan din ang natanggap ko mula sa mga dating guro.

Pinag-usapan namin ni mama ang tungkol sa dahilan kung bakit ako umuwi in the first place– ang exam. Sa Tacloban ito gaganapin at dalawang beses lang sa tanang buhay ko ako nakapunta doon. Ang ending, sinamahan ako ni Mama. Halata na bang mama’s boy ako? 😀

Mga alas onse ng umaga ay umuwi na kami sa bahay. Naligo muna ako. Pupunta na agad kami ng Tacloban ngayon dahil maaga ang exam bukas. Walang masasakyang bus na darating bago ang alas otso.

Ang haba ng bonding time namin ni mama. Andami naming napag-usapan sa mahigit limang oras na byahe.

Mama: …yang papa mo, ang galing talaga dumiskarte sa buhay. Ma prinsipyo, may mga rules. 😀

Siguro ay mga tatlong beses nya inulit sa buong travel experience namin yan. Naisip ko, Oo nga.

_____________

Natapos ang exam ng bandang alas 10 ng Dec. 7. Umuwi na kami agad at naghahabol ng trip ng mga bus. Sumakay na ako ng fast craft kahit na halos doble ang pamasahe nito kesa sa ordinaryong barko. Ayos naman, third time ko pang makasakay ng ganito.

Masakit ang pwet ko kakaupo. Ang mata, maga sa kakatulog. Pero inaantok pa rin ako. Hindi pa rin ako rested. May trabaho pa kinabukasan.

At diyan nagtatapos ang roundtrip lagari ko sa leyte.

Ito ang naging ruta ng bagyong ni RD.

Ang gastos ng byahe! Sana matanggap!

Around the islands in 2 days. 

Yun eh! effort ang editing. 😀

 

Chainsaw

Mas matindi pa ito sa lagari ko last week!

Dahil na rin nga na mag-iiba na ako ng rutang tinatahak (lilipat ng trabaho), heto at kabi-kabila ang exam, interview, at lipat ng mga gamit.

Miyerkules ng hapon ng muli kong isinuot ang costume ko nung graduation. Medyo masikip na ang itim na pantalon. Literal na pigil ang hininga ko pagdating sa interview sa inaaplayang hospital. 1pm ang call time. 12:59 ako dumating. Impressive. Kung bakit pa kasi ako pumasok sa trabaho only to do undertime.

Pang-90 ako sa 103 na iinterviewhin sa hapon lang na iyon. May mga kasabayan din pala akong punctual. 🙂 Naubos na namin ang mga pwedeng pag-usapan ng mga hindi masyadong close na strangers at kakilala lamang ng konti sa mukha (namumukhaan lng noong college). btw, may chicks  magandang dilag akong kasunod sa pila na nagpamangha sa akin  umaliw sa akin. Ay, ang pangit pakinggan. Umaliw, as in kumausap at kwento kwento. Pantanggal ng kaba. At kabogera ang sagot sa interview. Umaapaw ang confidence sa sarili niya. Teka, andami ko ng nasabi tungkol sa kanya. Cut!

Natapos ako ng 5:30 ng hapon. Tig ta-treynta ang pinapapasok sa conference room kung saan andun ang panelists. Simple lang ang tanong: Tell me about yourself, strengths and weaknesses, talents, why you want to work in our hospital, your concept of RNheals. All in one minute. So parang may pageant lang, may buzzer? wala naman. Kung masyado ka ng nagdadaldal, pasimple lang silang titingin sa relo o di kayay gagayahin ang postura ni Ninoy sa 500 peso bill; at kung di pa rin nadala, hihikab sila.

Sa gipit na oras ay dali-dali akong nag-empake ng damit. Nang matapos ay bumili pa ako ng mga bilin ni Mama: Christmas tree kasama na ang decorations, gamot ni papa, baril-barilan na request ng pamangkin. Hindi ko na kinaya ang helmet at pump ng gulong ng motor. Kapos na sa oras. 7:30pm ang usapan namin ni Sam.

Sumakay ako ng barko papuntang probinsya kinagabihan. Magte-take rin ako ng exam sa probinsya. Hanep ang skedyul. Mabuti nlng at napakiusapan ko si Sam na ibili na rin ako ng ticket pauwi kasi uuwi din naman siya. Sabay na kaming nagtaxi papuntang pier. Alas otso na ako natapos maghapunan. Sinundo ko si Sam sa bahay nila sakay ang taxi. Nakakatuwa at inakala ni Manong driver na girlfr ko siya. 😀

Naging taga-bitbit ako ng gamit ni Sam. Gusto ko iyon. Yung siya na bahala sa pila. Ako na bahala sa gamit. Kung sana’y pareho lang kami ng barkong sasakyan. Eh, southern leyte sya. Magkatabi lang sa pier ang mga barko namin kaya tanaw ko siya sa gilid. Parang titanic lang ang peg. Kaway kaway. Text text. Tawag tawag. *sigh* Ngayon ko lang naisip, tamang tama ang statement sa t shirt na suot ko noong gabing iyon.

IM,

WATC

HING

YOU

Buti nga’t umalis na si Pablo at bumyahe na ang barko.

_______________________

Sa part 2 nlng ang kasunod. Gutom na si SisD. Kararating ko lang din sa Cebu. bibili na ako ng ulam.

 

P.S. Ito na ang pasalubong ko sa inyo. Kwento. Wag ng mag demand ng iba pa.