Paano maging slim?

Lampayatot (lampa+payat) ako mula noong bata pa ako. Bata pa din naman ako ngayon ah! Pero hindi na ako lampa. Hindi na rin ako payat. Sakto lang. Naiinggit nga minsan ang ibang mga kaklase ko sa laki ng lamon ko, bakit parang hindi daw ako tumataba? Salamat sa metabolismo kong walang katulad. Ang hindi nila alam, may sikreto ako. Heto ang ilan.

1. Kumain sa tamang oras. Wag na wag mag skip meals. Bukod sa sasakit ang tiyan mo sa gutom, babagal ang metabolismo mo. Tataba ka pa lalo.  Tama na ang tatlong beses sa isang araw kumain.  Lima pala, isama mo ang morning at afternoon snacks. Matulog ng maaga para makaiwas sa midnight snacks.

2. Uminom ng maraming tubig. Minsan kasi, nami-misinterpret ang uhaw sa gutom. Kapag walang laman ang tiyan, feeling mo gutom ka na agad. Punuin mo lang ng tubig yun. Hindi porke’t hindi ka nauuhaw ay hindi ka na iinom ng tubig. Maiging maya’t maya ay umiinom ka. Pampatanggal antok din yan sa trabaho.

3. Gumamit ng maliit na plato. Ayon sa isang research, mas konti ang nakakain mo kapag maliit ang plato mo. Siyempre, hindi ka ba mahihiyang nag-uumapaw na ang plato mo sa dami ng gusto mong kainin. Makakailang rounds ka rin babalik muli sa buffet table kung gayon. Mainam din na gumamit ng maliit na kutsara.  Mahihirapan kang kumain, mawawalan ka ng gana.

4. Mag-toothbrush agad pagkatapos kumain. Sa ganitong paraan, sarado agad ang gana mo dahil sa mint ng toothpaste. Saka,  kung may bagong pahabol na mga kakanin, hindi ka na kakain. Gugustuhin mo bang masira ang ‘fresh breath’ mo?

5. Galaw galaw. Hindi naman necessary na mag gym ka talaga at pilitin ang sariling mag jogging. Tama na ang kumilos ka sa gawaing bahay, maglakad-lakad minsan, magliwaliw kung saan, magbantay ng makulit na bata, maglaba, mag-igib, magsibak ng kahoy, mag-aral (oo, nakaka-burn din yun ng calories! sobra!), o gawin ang best exercise *wink* .

 

Para-paraan lang yan. Ang pag-aalaga sa katawan ay parang pagpapatakbo ng isang makina. Kailangan may palagiang maintenance. Kailangan linisin minsan. Kailangan din gamitin para hindi kalawangin.

 

Advertisements