My Name is a Four Letter Word

Here’s the boring short story of how I got my name.

In a country like the Philippines, being named “Dale” sounds foreign in some sense. It’s out of the usual Filipino sounding names such as Rogelio, Bruno, Magnifico, Juan, Miguel, etc.

My name’s a combo.  As my parent’s first born, my name was a combination of my mother and father’s name.

DAnilo + LEbita = DALE

Brilliant! Isn’t it?

Simple addition it is.

__________

Not that we live in a valley (dale means valley, I googled it)….

Not because it’s my mother’s favorite actor or something…

Not because they just randomly looked it up on the Greatest Men of the Century List

__________

Oh well, I’m just thankful my parent’s name sounds good when combined. Imagine if my mother and father were Connie and Dominic?

 

P.S. If I had the choice to name myself, it might be the infamous Harry. 😀

But I definitely feel Dale fits me well. Dave with an L, they say.

________________

 

 

This post is in response to The Daily Post Challenge: Say Your Name

 

 

How about you? How did you get your name?

 

 

 

 

Kontrabidang Kuya

Me: Malinaw na ba ang lumalabas na tubig sa gripo?

LilSis: Medyo marumi pa rin ng konti.

Me: Ah, parang mukha mo pa rin pala. XD

___________________________

LilSis: Ang maganda sa rebond ng buhok ko, kahit na itali ko, kapag naligo ako at sinuklay, nagiging straight ulit.

Me: Oo nga noh? Straight pa rin. Parang katawan mo lang. XD

_______________________________

Yan ay ilan lang sa mga latest banat ko tuwing tipong nagpapaka-vain ang kapatid ko. Or kung trip ko lang talagang mambasag ng trip. Ewan ko, ganito ba talaga ang mga kuya? Parang ang sarap kasing mang-asar! hahaha :p

Sibling rivalry? wala naman masyado. Pero meron. Meron at meron din. Sa tingin ko naman parang napepressure siya na pantayan o higitan ang mga yapak ko. Size 11 kaya paa ko!

Pero ganun na nga, sabi ko pa sa comment ko sa facebook status niya nung graduation,

Iba iba kami ng talento.

Mas marami nga lang ang meron ako.

:Dv

_____________________________

Anyway, nais ko lang naman sanang i GOOD LUCK ang kapatid ko sa nalalapit na board exam! alam kong kaya mo yan! Ako kaya ang trainor mo! haha

P.S. May pustahan nga pala kami na kung mahigitan niya ang board rating ko, ibibili ko siya ng cellphone, yung may camera. Ang galing dba? Pero mahirap yun. Trust me, mahirap. bwahahahaha *evil laugh*

pero hindi imposible.

Pasensya, Pasyente

Siguro nga kaya pasyente ang tawag sa inyo kase kailangan nyong maging patient.

Kahapon, ako lang mag-isa sa OB-GYNE cubicle. Remind you na trainee pa lang ako. Yung staff nurse na partner ko nasa General surgery. At yun na yata ang isa sa pinaka-busy kong duty sa Gyne.

– 5 direct to Operating Room

-2 scheduled operations

-1 transport to ward

-4 admissions

-2 blood transfusions

-1 patient without company

-8 hours

-1 nurse

-night shift

______________________

It was a long night. Punong puno kami. Parang pista. At syempre, sa tindi ng mga eksena, may mga ulong umiinit na.

Pansinin niyo naman kami. Magbabayad naman kami. Sabi ng isa sa bagong dating na tagabantay. Incomplete abortion ang pasyente niya, nagbi-bleeding, at  hinimatay sa CR.

Ewan ko kung bakit niya nasabi yun eh, hindi ko pa nga nakikita yung pasyente eh. At dumaan naman sila sa triage (kung saan kina-classify ang condition). Yun nga lang, tanging yung intern (na may pasyente sa I.E. room) lang ang natira. At ako (na busy sa bagong admission na ihahatid agad sa OR) . Yung resident doctor, nasa operating room may inooperahan.

Buti na lang at tiyempong andun ang Team Leader namin for the night.

TL: Ma’am, anong sinasabi niyo? Kung gusto niyo po, lumipat nalang kayo sa private hospital. Eh, magbabayad din naman pala kayo eh.

Snap! Nagulat din ako sa sagot ni Sir TL. Umiinit na din ang ulo.

Ale: Wag niyo naman akong pagtaasan ng boses! 

TL: Ikaw po ang nauna. 

Natahimik si ate. Naging aware na siya kung gaano karami ang pasyente doon. Na hindi naman kami nakatunganga lang at hinahayaan sila. My gas! Ang busy kaya namin!

Pinalapag na ang pasyente sa stretcher. Kinuhanan ng BP. At nag fast drip ng IV. Natapos na din ang intern kaya natingnan na din siya. Pinalabas na ang nagpapanic na ale.

In a span of 2 hours, na admit ang pasyente, at dinala ko na sa Operating room. Kasabay ang isa pang parehong kaso.

__________________________

Naalala ko din tuloy yung eksenang nakapag-snap din ng medyo mahaba-haba kong pasensya.

Naghahanap ako ng bedpan para sa isang pasyente. (Opo, share share po sila ng bedpan. Public eh!). Ayun, nakita ko ang bedpan sa ilalim ng stretcher ni Lolo. May lamang ihi. Hindi man lang tinapon! 

Kumuha ako ng gloves para ako na mismo ang magtatapon. Pero nadatnan ko ang teenager niyang apo kaya sinabi ko nalang: Miss, pakitapon nlng yung ihi sa CR.

OK.! Ako na lang kasi maarte ka! 

Ha? ako pa daw ang maarte eh tutulungan na nga sana. Nagwalk out nalang ako. Hindi naman sa ganun, marami lang akong ibang gagawin.

Sa totoo lang, kung ayaw naman niya, ok lang sa akin. Kahit hindi ko na trabaho yun. May nursing aide naman sana. Di bale, I got what I wanted.

Ang Bedpan. bow.

_________________________

 

Hay Lord! Give me more patience.

Pasensya mga pasyente!

________________________

Sa lugar kung saan maraming nag-aalala, kinakailangan talaga ng extra pasensya.