All Over Again

History repeats itself.

Talaga nga ba?

Announcing the arrival of … *drum roll*… another crazy girl. Well, she’s beyond that, so I’ll tag her “XD”. That smiley seem to fit her anyway.

It was another boring night that I settled myself surfing the net reading about the latest news, trying to keep up with Survivor Caramoan episodes when my facebook chatbox turned red and her name popped up.

“Ang arte naman… :(”  was her message.  Confused she might have just mis-sent the message, I inquired. Only to find out she had PMed me ever since February telling me that…she likes me. Haha

What a conversation starter! The fact is, she’s a quite beautiful young lady. Chicks kumbaga. 

Tatagalugin ko na mula dito kasi kokonti na lang English ko sa bulsa. At para na rin mabagot siya, kung sakaling mapadaan siya dito (naiinis siya magbasa ng tagalog).

Ayun na nga, tumaas ang pulso ko nun. Crush daw ako? ha? Eh isang beses nga lang kitang nakita ng personal? At bakit biglaan? Ano yun? just one night, you happen to scroll by my facebook account and then boom! you decided to make me your next boy. hahaha

Ang yabang ko noh? Chance ko na sanang magka girlfriend, nang hindi nag-eeffort! pero, ang sagwa naman. Kaya sumakay na lang ako sa trip nya. Ooops! It’s not what you think it is. Dahil nurse nga ako, ginamit ko ang natutunan tungkol sa Therapeutic Communication (oh, the Psychiatry days). At si😄 ang aking pasyente. Manic with sexually provocative behavior  .

Ewan ko kung naging therapeutic nga ba ako or nakasama pa. Presenting reality ang una kong tactic. Sinabi ko kung anong klaseng tao ako…kung gaano ako kasama, ka-boring, ka-weird pero ayaw paawat si ate, “I like you. Period.” daw. Akalain mo yun? Pero sabi din naman niya, “alam kong may mahal ka…”

Alam mo naman pala eh! 

Hiningi nya number ko. Sinubukan kong ilihis ang usapan pero baka maglaslas ng pulso kaya binigay ko na lang. At ng mapansin nyang hindi ko hiningi ang number niya, binigay nya na rin lang. Sinave ko naman sa phone sakali magtext, alam kong siya yun.

Business student siya. Naisip ko… ano to? selling yourself? baka project niyo lang to sa finals ah!? Sa halip, inaya ko na lang siyang maging kaibigan muna kami. Magkakilala ng mas maigi. Counter attack naman niya, “mas maganda, thrilling.” Pero hindi papatalo ang bida niyo, depensa ko naman, “dangerous!”

Masarap ang instant mami. Pero masama sa kidney.

Walang pakundangang ni-like niya halos lahat ng mga profile pic ko sa fb. Ni raid ang mga albums. Bumisita dito sa blog. At hindi masyadong nagbasa. Mabuti na lang. Malabo daw mata niya at hindi kayang magbasa ng matagal. Teka, wait, malabo ang mata?! yun na nga! “Baka hindi mo nakikita ng klaro kung gaano ako kapangit?”

Pero ayaw paawat eh. 3 days daw. Maghihintay siya. Yes or No.

Ito ba yung tinatawag na 3-day sale sa business? marketing strategy? kailangan may deadline para ma pressure ang mamimili na bumili kahit hindi rin naman talaga kailangan?

The following day ay bombarded na ako ng texts like “kumain ka na?” Ingat ka..sa pagkain, pagtulog, pag-uwi…” seriously? ingat sa pagtulog? anong delikado sa pagtulog? sa pagkain?

Bagamat dapat sana’y natutuwa ako sa ginagawa niya, simpleng pagka-miss lang ang nararamdaman ko. Nagbabalik ang mga alaala at munting lihim na pangarap na sana’y ang taong minamahal ko ang siyang nag-aalala sa akin ng ganito. Na miss ko si mama.😉

_______________

It is our choices that show what we truly are, far more than our abilities. –Prof. Dumbledore

And I chose to break her heart… take it slow.

The thing is, naging lesson na sa akin ang nakaraan. Na hindi dapat minamadali ang pag-ibig. Sabi ni😄, baka maging kagaya daw ang kwento namin dun sa pelikulang Wedding Daze. Ngunit pelikula lang yun. Gawa ng imahinasyon. Hindi tunay.

Pero nagpapasalamat pa rin ako, dahil nagsilbing pampukaw pa rin siya sa natutulog na ako. Dahilan upang muli kong buksan ang puso. Timbangin ang mga bagay bagay. Malaman kung alin ang nagpapaligaya sa akin ng tunay. Maging loyal.

God puts everything for a reason. She is either a blessing or a lesson.

She is a lesson. She made me realize that only Sam could make me feel happy in spite of the little things she do. Nothing compares. She is the only one who clears my mind, making me capable of writing. An inner source of inspiration that bathes my soul.

________________

History repeats itself.        If we let it.

 

 

History repeats itself.         To give us a second chance to make things right.

 

 

 

14 thoughts on “All Over Again

  1. Wow! Grabe! Nasan ako nung mga panahon na ni-post mo ito! Ang ganda! Ang kilig! At ang lalim mo RD!🙂 Ngayon may ibang kahulugan na sakin ang salitang “lesson”. You are a “lesson” to me………………. Aray! Kay sakit ate Charo…

    Hehehe, kidding aside, that’s very gentleman of you RD! Happy for you and Crazy Girl Sam.🙂

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s