Paalam Baby

Last day ko na sa Pedia kahapon.  Day off ako ngayon. At sa katahimikan ng kwarto koy nami-miss ko na…

ang mga iyak ni baby kapag nagbibigay ng injection,

kung paanong hindi nauubusan ng dislodged IV sa listahan,

ang mga bagong nanay na tinuturuan,

ang mga sobra kung mag-alala,

may iba namang mga burara.

ang mga kaibigan, kasamahan

sa trabaho at kulitan

mga bagong kakilala.

___________________

Tapos na sa senti. Hindi ko na kayang magtutula-tulaan. Ngayon, kwento naman tungkol sa mga di malilimutang karanasan.

1. Knock-Out. Sinasadya yata ng pagkakataon na kung day off ko eh may nagaganap na mga pangyayari, yung out of the world. Ganito kasi yun, nitong Marso, ang pinakamatagal naming pasyente (malapit na mag-3 buwan) ay papagaling na at kailangan ng dugo para sa napipintong operasyon sa bukol sa ilong, naghahanap ng dugo ang ina. Siguro ay dahil na rin sa stress ay nagkainitan ng ulo ang mag-asawa, nauwi sa pisikalan. Sinuntok ni lalake sa braso ang babae. nag-counter punch si ate at sapul sa panga si lalake. Nawalan ng malay. Parang Pacquiao lang ang trip. Sa pag-iisip na babalik rin ang ulirat, eh pinabayaan lang na humiga sa sahig yung lalake. (hindi rin siya kakasya sa crib)  Lumipas ang  limang minuto hindi pa bumangon… kaya nilapitan na ng nurse, “hey hey are you okey?”. walang response. tumawag ng doktor. May pulso, humihinga, pero hindi stable. Nag-seizure. Napuruhan nga ata. Dinala sa emergency room. Nanatili ng isang araw. Pumirma ng waiver at bumalik sa ward kinabukasan. Sweet na ulit sila sa isa’t isa. Parang wala lang.

2. Extra Extra!  May bagong tayo na Pedia pavillion thru the efforts of Sir Migz Zubiri. Kaya naman, may taping! para sa election ad daw. hahaha 😀 ayun, pinili ang mga may mukha. Syempre, hindi ako kasama. pero after 2 hours of taping, eto yung resulta. Tanging isa lang sa apat na umextra ang nahagip ng camera. at 0:16. Yung cute na mga bata sa 0:21 kilala ko yun!  hahaha nakaka proud. nasa tv na sila, higit pa dun, gumaling na.

3. Mountain View. Sa tindi ng stress, eh kailangan talagang mag-unwind. At kung unwind din lang naman, after duty hours lang ang pinaka swak. Kaya nung present lahat (walang may day off sa grupo), na nagkataong birthday rin ng isa, eh plano na agad para sa lakwatsa. Ang mamundok. Kain. Usap. Laro. Tawa. Yun lang hanggang umaga.

watching sunrise together

watching sunrise together. marshmallows for breakfast.

__________________________

Top 3 lang yan. Marami pang iba. Sa paghihiwa-hiwalay na namin ng susunod na area, ang samahan, mga alaala ay mami-miss ko sobra. Pero ganun talaga. Kailangan na namang mag-adjust.  Di bale, marami namang bagong skills para makapag-level up.

Medyo napabayaan ko na yata talaga ang blog kong ito. Ano pa kaya kung nasa ER na ako? Good luck to me!

Happy Easter sa inyo! God bless!

Advertisements

One thought on “Paalam Baby

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s