Pista sa Nayon

Pitong buwan pa bago ang pista. Abala na ang lahat. Marami ng palaro. Kanya-kanyang pauso.

May iilan na nagsasabit na ng mga palamuti sa kalye, kalakip ang mga imaheng gustong makisali. Mga naggagandahang mga mensahe- pagbati, pag-anyaya, pagpapakilala. Makulay ang kalsada.

Simula na rin ng nakaugaliang torneyo. Parang olympics sa angas at garbo. Una na rito ang paghuli ng toro.

Nagpakawala ang tagapamahala ng isang malaking toro. Kulay itim, galit, parang isang baliw na aso. Sinusunggaban lahat ng makasalubong. Lahat ay takot, ayaw ng tumulong.

Narito naman ang mga kalahok. Pilit huhulihin ang torong siya ring tampok. Paunahan sila, pabilisan. Kung sinong makahuli, sisikat na naman.

Sa mga nangyayari, tuwang tuwa ang tagapamahala . Wari nya’y pag-uusapan na naman ang kanyang nagawa. Ang ibang problema’y maisasawalang-bahala, lahat nakatuon sa torong nakawala.

Ang mga tagapangasiwa ng laro ay galak na galak. Malaki ang papremyo, isang kaban ng pilak. Lalo na’t kasali sila sa engrandeng patimpalak.

Ang mga mamamayan, sa loob ng bahay na lang nag-aabang. Sa bintana nakadungaw, madaganan ng toro ayaw na ayaw. Gustong manahimik, gustong umimik, di alam kung alin ang dapat ipatik.

May ibang magkakapit-bahay, isang baryong winasak at kinatay, ng dambuhalang torong ayaw humimlay. Kaya’t silay nagkapit-bisig, ipinagsigawan ang tinig, tagapamahala’y inuusig, upang toro’y hulihin na at malupig.

Malayo pa ang pista, pero ang nayon ay kay saya na. Nag-aabang ang nakararami  sa kahihinatnan ng mga pangyayari.

Sino kaya ang mga magwawagi? Sino ang mga masasawi? Sino ang mas makakabenipisyo? Sino ang mga madedehado?

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s