Chainsaw part 2

Matapos naunang umalis ang barko nina Sam, nakatulog ako. Hapong hapo. Hindi nga ako nakayang gisingin ng mga nag-inspect ng ticket. hahaha Nasa bulsa ko lang ang ticket ko.

Bumaba ako ng 3.30 ng umaga sa Ormoc. Sumakay ng pagkabagal-bagal na bus na umalis ng 4.30 at dumating ng 7.30am sa lungsod namin. Sinundo ako ni papa.Dumating sa bahay ng mga bandang alas 8. Kumain ng paksiw na isda. Nabusog. Nagtoothbrush at naghilamos. Pumunta sa alma mater noong hayskul para sa pinadalang request for form 137 ng kaklase ko noon.

Nagkataong school fiesta pala sa martes. Na-holdap ako. Agad agad may solicitation letter. Nakakatuwang ang laki na ng inunlad ng paaralan ko. Andami ng bagong buildings at dumami ang population ng students at teachers. May pasaring pa nga’ng baka gawin akong guest speaker sa Marso. (hmmm, actually gusto ko naman pero pakipot muna.) hahaha baka mahirapan ako sa skedyul ng trabaho. at sa paghahanap ng masusuot na disenteng damit.

School Paper adviser: uy, dale! kumusta? antaba mo na. may girlfriend ka na ngayon? πŸ˜€

RD: uhm,, wala pa po ulit ngayon.

SPA: ha?! Uy maam! wala pa din daw siyang girlfr. hahaha maghanap ka na.

Pero heto ang mas matindi.

SPA: alam mo RD, sa tuwing may pakontest sa ibang division, ikaw, si AG, at F ang talagang naiisip namin. Kayo lang talaga ang all around na kayang mag Science, Math, English, atbp. contest.

AWwwwww. na touch naman ako dun. Napunta ang usapan namin sa mga achievements ng school (lalo na ang school paper namin noon), sa kung bakit ako umuwi, at planong mag abroad balang araw. May mga bilin na nga sila kung anong gusto nilang ipabili sa akin.

Sir Araling Panlipunan: RD, bago ka umalis. Tingnan mo muna itong relo ko. Mukhang sira na eh.

RD: bilhan ko na lang po kayo ng strap. hahaha strap lang ang afford ko.

Pakiramdam ko ay artista ako. Sikat eh. Andaming mga studyanteng nag-Hi. Pati na dating tindera sa suking bilihan ng snacks. Nostalgic ang pagbisita kong iyon.

____________

Matapos ang high school ay elementary naman ang tinungo ko. Andun si Mama. Nadatnan ko siyang nagka-klase. May seatwork ang mga bata kaya pinapasok na agad ako.

Studyante: Uy! May artista!Β 

Stud 2: Si Coco Martin!Β 

hahaha! sa panaginip ko lang ito.

Titig lang ang natanggap ko sa kanila. Mahaba-habang kumustahan din ang natanggap ko mula sa mga dating guro.

Pinag-usapan namin ni mama ang tungkol sa dahilan kung bakit ako umuwi in the first place– ang exam. Sa Tacloban ito gaganapin at dalawang beses lang sa tanang buhay ko ako nakapunta doon. Ang ending, sinamahan ako ni Mama. Halata na bang mama’s boy ako? πŸ˜€

Mga alas onse ng umaga ay umuwi na kami sa bahay. Naligo muna ako. Pupunta na agad kami ng Tacloban ngayon dahil maaga ang exam bukas. Walang masasakyang bus na darating bago ang alas otso.

Ang haba ng bonding time namin ni mama. Andami naming napag-usapan sa mahigit limang oras na byahe.

Mama: …yang papa mo, ang galing talaga dumiskarte sa buhay. Ma prinsipyo, may mga rules. πŸ˜€

Siguro ay mga tatlong beses nya inulit sa buong travel experience namin yan. Naisip ko, Oo nga.

_____________

Natapos ang exam ng bandang alas 10 ng Dec. 7. Umuwi na kami agad at naghahabol ng trip ng mga bus. Sumakay na ako ng fast craftΒ kahit na halos doble ang pamasahe nito kesa sa ordinaryong barko. Ayos naman, third time ko pang makasakay ng ganito.

Masakit ang pwet ko kakaupo. Ang mata, maga sa kakatulog. Pero inaantok pa rin ako. Hindi pa rin ako rested. May trabaho pa kinabukasan.

At diyan nagtatapos ang roundtrip lagari ko sa leyte.

Ito ang naging ruta ng bagyongΒ ni RD.

Ang gastos ng byahe! Sana matanggap!

Around the islands in 2 days.Β 

Yun eh! effort ang editing. πŸ˜€

 

Advertisements

9 thoughts on “Chainsaw part 2

  1. hihi, gusto ko ang title at saka ito,

    “Sumakay ng pagkabagal-bagal na bus na umalis ng 4.30 at dumating ng 7.30am sa lungsod namin.” πŸ˜‰

    gusto ko na rin ang pangagarap na may local version si Coco Martin, hahaha. di naman bawal yown… πŸ˜‰

    btw, lagari nga… what to do, eh? πŸ™‚

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s