Chainsaw

Mas matindi pa ito sa lagari ko last week!

Dahil na rin nga na mag-iiba na ako ng rutang tinatahak (lilipat ng trabaho), heto at kabi-kabila ang exam, interview, at lipat ng mga gamit.

Miyerkules ng hapon ng muli kong isinuot ang costume ko nung graduation. Medyo masikip na ang itim na pantalon. Literal na pigil ang hininga ko pagdating sa interview sa inaaplayang hospital. 1pm ang call time. 12:59 ako dumating. Impressive. Kung bakit pa kasi ako pumasok sa trabaho only to do undertime.

Pang-90 ako sa 103 na iinterviewhin sa hapon lang na iyon. May mga kasabayan din pala akong punctual.🙂 Naubos na namin ang mga pwedeng pag-usapan ng mga hindi masyadong close na strangers at kakilala lamang ng konti sa mukha (namumukhaan lng noong college). btw, may chicks  magandang dilag akong kasunod sa pila na nagpamangha sa akin  umaliw sa akin. Ay, ang pangit pakinggan. Umaliw, as in kumausap at kwento kwento. Pantanggal ng kaba. At kabogera ang sagot sa interview. Umaapaw ang confidence sa sarili niya. Teka, andami ko ng nasabi tungkol sa kanya. Cut!

Natapos ako ng 5:30 ng hapon. Tig ta-treynta ang pinapapasok sa conference room kung saan andun ang panelists. Simple lang ang tanong: Tell me about yourself, strengths and weaknesses, talents, why you want to work in our hospital, your concept of RNheals. All in one minute. So parang may pageant lang, may buzzer? wala naman. Kung masyado ka ng nagdadaldal, pasimple lang silang titingin sa relo o di kayay gagayahin ang postura ni Ninoy sa 500 peso bill; at kung di pa rin nadala, hihikab sila.

Sa gipit na oras ay dali-dali akong nag-empake ng damit. Nang matapos ay bumili pa ako ng mga bilin ni Mama: Christmas tree kasama na ang decorations, gamot ni papa, baril-barilan na request ng pamangkin. Hindi ko na kinaya ang helmet at pump ng gulong ng motor. Kapos na sa oras. 7:30pm ang usapan namin ni Sam.

Sumakay ako ng barko papuntang probinsya kinagabihan. Magte-take rin ako ng exam sa probinsya. Hanep ang skedyul. Mabuti nlng at napakiusapan ko si Sam na ibili na rin ako ng ticket pauwi kasi uuwi din naman siya. Sabay na kaming nagtaxi papuntang pier. Alas otso na ako natapos maghapunan. Sinundo ko si Sam sa bahay nila sakay ang taxi. Nakakatuwa at inakala ni Manong driver na girlfr ko siya.😀

Naging taga-bitbit ako ng gamit ni Sam. Gusto ko iyon. Yung siya na bahala sa pila. Ako na bahala sa gamit. Kung sana’y pareho lang kami ng barkong sasakyan. Eh, southern leyte sya. Magkatabi lang sa pier ang mga barko namin kaya tanaw ko siya sa gilid. Parang titanic lang ang peg. Kaway kaway. Text text. Tawag tawag. *sigh* Ngayon ko lang naisip, tamang tama ang statement sa t shirt na suot ko noong gabing iyon.

IM,

WATC

HING

YOU

Buti nga’t umalis na si Pablo at bumyahe na ang barko.

_______________________

Sa part 2 nlng ang kasunod. Gutom na si SisD. Kararating ko lang din sa Cebu. bibili na ako ng ulam.

 

P.S. Ito na ang pasalubong ko sa inyo. Kwento. Wag ng mag demand ng iba pa.

3 thoughts on “Chainsaw

  1. hahah.. i love the ‘i’m watching you’… haai nak, i really really hope you and sam will end up together..🙂 too early to determine the outcome pman, so I guess i’ll be watching the two of you🙂

    “Super nice” post nak, balik2x jud q dre pra sa next part.. about CG, any updates?? heheh

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s