Para sa Pasko

Naisip ko lang, malapit ko ng mapuno ang alkansiyang gawa sa mineral water na minsan natambak sa bag, ano ang bibilhin ko?

Puro tigpipiso [lang naman] ang laman nun. Puro makikintab na tigpi-piso ang laman nun. Ewan ko ba at bakit nabighani ako sa kintab ng mga bagong barya kaya parang nanghihinayang ako kapag ipinambabayad ko sila. Pwede na ako sa pshychia ward noh? OC.

Dahil 500ml bottle lang yun, nasa 200 pesos lang yata tantya ko. Naisip kong sa isang taon kong pagpuno sa alkansya, dapat ay may justice ang pagkakagastusan ko.

Kaya itataya ko siya sa lotto.

Ni sa swertres nga hindi ka nanalo.

 Ibibili ko ng cam! 

Anong cam? 200 pesos? Camera?

Eat all you can na hapunan!

Tumataba ka na sabi ni Sam. 

Ibili ng libro sa Booksale!

Selfish! Mag download ka nlng ng pdf.

Ibili ng bagong wallet!

May ilalagay ka bang pera?

Reregaluhan ka naman ni Danica, sabi niya.

I-donate sa simbahan.

Masyadong Passive ka na naman.

Sa iilang minuto kong pagmumuni-muni [tinamaan ng ka-emohan], naisip kong why not give it to others. Isang *ting* bright idea! Pero paano?

Kaya nitong umaga, nang mapadpad ako sa post ni bagotilyo, Ang project burger. , naisip kong bakit hindi ko subukan dito sa Cebu. Hindi naman ako nabigo at may apat agad akong naimbitang samahan ako. Sana nga ay maging matagumpay ito. Plano kong sa kahabaan ng Jones Avenue / Osmeña Boulevard kami maglalakad-lakad. Bonding na rin naming barkada. Parang jogging na rin pantanggal ng bilbil.

Ngayon pa lang naaaninag ko na

Ang kislap sa mga mata

Na magagawa ng makikintab na barya.

Ang ngiti sa kanilang mga labi,

Ang tamis ng pasasalamat,

Ang gaan ng loob

Ang di mapantayang kaligayahan

Maipahayag ang Kanyang Pangalan.

Advertisements

8 thoughts on “Para sa Pasko

  1. namiss ko bigla ang kapaskuhan sa aming tindahan. nagbibigay kami ng supot ng candies sa lahat ng mga batang customer namen tas groceries o kaya tasa/baso/towel sa mga matatanda (na ang tagal magbayad ng utang haha) tas nagugulat na lang kami kasi pati mga bata sa kabilang barangay dumadayo sa tindahan para sa candy! haha :))

    kung tumatanggap ka ng ambag, mag-aambag ako kulig! sabihin mo lang!! hehehe:D

  2. Pingback: Project Burger (update 1) « realdale

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s