Project Burger (update 1)

Matapos ang isang buwan nang nag-desisyon ako kung anong trip ko ngayong pasko, nakaipon na ako ng 300+ pesos sa alkansya (hindi na nga pala mineral water bottle ang alkansya ko, kidney basin na), pitong tao na ang nagboluntaryong tumulong, at nakalikom na ako ng kulang-kulang isang libo. Wow!

Sa una, pang-small time lang talaga ang layunin ko. Pangongopya lang nga ito sa ginawa ng ilang mga bloggers (bagotilyo et. al.). Ayun, na inspire si RD. “Imitation is the greatest form of flattery.” Iso-sottocopy ko na nga rin yan.

 

PB: Level Up

Dadagdagan na din namin ng used clothes (ideya ni Jkob). O dba, parang santa claus na talaga kami nito sa dami ng bitbit namin, papamigay sa mga street pipol. So ayun, marami-rami naman ang generous kong klasmeyt.

Sa aking G-force pamily, (Section G kami nung college, iba kami dun sa dancers sa ABS) maraming salamat sa inyong support sa ideya (na kinopya) kong ito. Kay ate karen, joem, jkob, eva, carol, steve, erika, at sa mga sasali pa, God bless sa ating lahat.

Baka nga in a spur of the moment maging project burger mcdo na ito. hahaha😀 plano na rin naming samahan ng juice. Para naman hindi sila mabilaukan. Edi bigla pa kaming mapapa-Heimlich maneuver pagnagkagayon.

Kasalukuyan naming inaayos kung kelan ba talaga namin ito magagawa ng sama-sama. Tight ang skedyul. Mahirap i-matching type ang mga araw na available ang isa’t isa. Yun lang. All in all, parang halos buo na ito. Excited na ako!😀

___________

Sana nga ay maging matagumpay ang layunin naming ito. Ipinapanalangin ko na marami pang tao ang maging mabait sa kapwa. AMAsay, AMAproud to be in God’s army.

Kayo dyan sa lugar nyo? Bat di nyo rin simulan sa maliit na bagay-bagay. Baby steps before big leaps.

Advance Merry Christmas sa inyo!

39 days more to go!

17 thoughts on “Project Burger (update 1)

  1. Yung room mate ko naka 2500 sa bote ng mineral yung sunod sa 500ml…nakakainspire hehe…ako din mang-so-sotto😉

  2. Nakakatuwa naman na kahit sa munting paraan, nakakahanap kayo ng daan para sa pakikipagkapwa-tao. Isang magandang halimbawa na dapat tularan. (Hmm makaisip nga ng pwede ko rin ditong magawa.)

  3. Naisip na namin ng mga friends ko ito before..kaso di namin naituloy. Salamat sa post na ito at nagkaroon ako ng inspiration na ipursue yung naudlot naming plano. Ang sipag kong basahin lahat ng posts mo hehehe =) Pasensya sa pagdaldal *feeling close* lang.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s