Malabo.
Di makita ang nakatago
Mga letra dikit-dikit
Mga mata, isinisingkit
–
Mga detalye di mahagilap
Mga kulay, di alam, mahirap
Ang liwanag, nakakasilaw
Ang dilim, nangingibabaw.
–
Ulo’y nahihilo
Mga imahe, di na klaro
Matang mapupungay,
Hapo, nauumay.
–
Ang antipara
Di makita
Di makakita
Kailangan kita.