“Di dahil gusto mo, makukuha mo.” (The Mistress)

 

Parang ngayon lang nagsi-sink in ang linyang ito mula sa The Mistress. Ewan ko pero parang dama ko na ang lungkot eh limang araw na matapos kong panuorin ang pelikula. [tinamaan ng ka ’emo’-han]

Gusto ko sana talagang sumulat ng review ukol sa pelikula kaso parang ang ganda ng pelikula para isang baguhan lang [ako] ang kikilatis. Pangalawa, baka ma-spoil ko ang mga nakakaantig na eksena at rebelasyon.

Gayunpaman, heto at hindi ko pa rin kayang pigilan at papakawalan ko na ang mga nadarama.

 

Ang Istorya

Malayo sa trailer, hindi lang ito patungkol sa pagiging kabit. Ang kwento ay tumatalakay din sa relasyon ng pamilya, ng mga pinagdadaanan ng iba’t ibang tao. Mula sa father-and-son/mother-and-daughter grudges, sa sakripisyo ng isang anak, sa galit at pag-iintindi ng isang asawa, sa mga nakaraan na hindi na kayang baguhin pa, hanggang sa pag-usbong ng pag-asa at bagong buhay.

Ito ay isang kwento ng pag-ibig—isang anak sa kanyang mga magulang, pamilya, sarili, trabaho– at ang kalakip na mga pagsasakripisyo.

 

Ang [pinag-uusapang] Ending

Parang kape. Mapait na matamis-tamis. Nalalayo sa nakasanayan ngunit nasa tamang timpla. Gigisingin nito ang mga emosyong nakatago at pinapag-isip ka sa sarili mo. Ito’y nagsisilbing kabuuan ng kwento. Simple lang iyon pero ang daming pakahulugan: na ang mundo ay patuloy na iinog, mangyayari ang mga dapat mangyayari, magkakatuluyan ang talagang itinakda, na hindi lahat ng love story ay happy ending kaagad [katulad ng fairytales] dahil ang pag-ibig ay hindi lamang para sa dalawang taong nagmamahalan. Makatotohanan. Basta, kayo na humusga.

 

Sa Kabuuan

Maihahanay ito sa mga magagandang gawa ng Star Cinema. Kapagka ang isang pelikula ginamitan ng “THE” [The Road, The Healing, The Reunion, The Alchemist, The Walang Hanggan, The Be Careful with My Heart :D] nararapat lang na maging maganda talaga iyon. Hindi nabigo ang pelikula at napatunayan nitong nababagay ang “THE”.

Hindi man ako talagang fan ng John Lloyd-Bea love team pero nagustuhan ko ang pelikula. At aaminin ko, bumilib ako sa akting ng dalawa.

Nagbigay din ng konting LSS yung kantang “Chasing Cars” ng Snow Patrol na ginawang theme song ng pelikula.

Clarence Delgado pala pangalan niya. (photo from digplanet.com)

(photo from starmometer.com with contents from Adela)

 

Magaling din ang supporting cast. Bukod sa apat na main characters, hindi rin malilimutan ang cute na batang mataba at ang matandang si Ms. Anita Linda.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Marami rin akong napansin na picture perfect moments. Mga tipong animo’y photoshoot para sa isang magasin. Yung isang tumatak sa akin yung makikita sa trailer na tulay na may reflection din sa tubig. Breathtaking yun. Marami pang mga magagandang shots sa pelikula. Katulad na lamang nito.

(photo from entertainment.inquirer.net)


Ang Trailer

http://youtu.be/oAvVVsNenS8

GREAT LOVE…

…begins with ATTRACTION

…fueled by DESIRE

…takes on RISKS

…comes with PAIN

…comes with HOPE.

_____________

Hindi po ako bayad ha.😀 Pero nais ko lang talagang ipaalam na hindi sayang ang pera niyo kung papanuorin niyo ito.

Mga Paalala

(Kung sakaling naisipan niyong manood)

1. Magdala ng panyo. Huwag kang manghingi sa kasama, hindi mo na rin ito maisasauli.

2. Siguraduhing naubos na ang baong chichirya bago or sa umpisa ng pelikula para hindi mabulunan kung sakaling matawa or maiyak ka sa bandang gitna ng pelikula.

3. Magdala ng tubig. Nakakatulong yun para tumigil ka sa paghagulhol. O sa kaso ko, para pigilan ang pag-iyak.

4. Siguraduhing nakainom ng gamot para sa altapresyon. Baka mag-init ang loob mo.

5. Pumunta ng maaga sa sinehan. Medyo may kahabaan din ang pila.

6. Mag-CR para walang makaligtaan na parte.

7. Maglinis ng tenga, para klaro mo ang mga linya [lalo na ang mga bulong ni JD]

8. Huwag manood mag-isa. Kailangan mo ng shoulder to cry on at kausap.

9. Expect the unexpected. [parang horror ba? :D]

10. Siguraduhing bukas ang kaisipan sa mga bagay-bagay. Malalim ang pelikula. Baka malunod ka, magdala ng salbabida.

 

 

 

7 thoughts on ““Di dahil gusto mo, makukuha mo.” (The Mistress)

  1. hahaha super like…daming tagalog ah ahahhaha…mgbisay nlng ko dong!…nalingaw ko..reminds me nga bungol btw jud ko kng c JD ang mag storya hahaha….

    ang gusto ko din sa story ung ‘what ifs’ nla..things would have ended differently for them kung un talaga ang sitwasyon…kaso hindi, they just have to deal with it and accept things as they are…

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s