Ayokong maghelmet!

Ang susunod na post ay kathang isip lamang. Patnubay ng magulang ay kailangan. Rated SPG. 

Wag kayong magsuot ng helmet!  Ewan ko ba kung sino ang nakaisip ng ganyang ideya tol. Badtrip!

Ayokong maghelmet. Nakakasira ng hairstyle! Gusto ko yung kitang kita ang tayong tayo kong buhok. Lalo na kapag dumidikit lahat ng alikabok at usok sa buhok ko! Ang sarap ng feeling!

Ayokong maghelmet. Nakakawala ng porma. Natatabunan ang kagwapuhan ko sa l*ntik na pananggalang na to. Ayokong magmukhang pulis pangkalawakan o si Shaider. Di bale nang delikado.

Ayokong maghelmet. Ang init! Gusto kong matusta ang ulo ko sa gitna ng trapik. Gusto kong mabasa ang ulo ko sa ulan lalo na’t gabi at malamig.

Ayokong maghelmet. Ang mahal kaya. Kailangan pa talaga yung may sticker?! Ang haba pa ng pila. Ang pangit pa ng design ng sticker! Sana bungo na lang!

Ayokong maghelmet.  Kapag naaksidente ako, gusto ko yung kakalat ang bungo at utak ko sa kalye.  Ang bangis nun! Kesa naman sa loob lang ng helmet ang intact na ulo ko.

photo from motorcycleinsurance.com

Iwasan ang kaligtasan! Wag mag helmet!

Advertisements

2 thoughts on “Ayokong maghelmet!

  1. helmets for motorcycles. they are fast and might have some great impact sakaling mabangga o malaglag.

    para sa mga bisikleta, hindi naman kailangang mag-helmet. nagmumukhang delikado lang ang pagba-bike dahil sa paghehelmet na yan. it’s like, discouraging others to bike.

    kung delikado ang kalsada, dapata pala naka-helmet din kapag tumatawid. o di kaya pati mga jeepney driver at pasahero naka-helmet din.

    just learn to ride easy and safe.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s