Paano maging slim?

Lampayatot (lampa+payat) ako mula noong bata pa ako. Bata pa din naman ako ngayon ah! Pero hindi na ako lampa. Hindi na rin ako payat. Sakto lang. Naiinggit nga minsan ang ibang mga kaklase ko sa laki ng lamon ko, bakit parang hindi daw ako tumataba? Salamat sa metabolismo kong walang katulad. Ang hindi nila alam, may sikreto ako. Heto ang ilan.

1. Kumain sa tamang oras. Wag na wag mag skip meals. Bukod sa sasakit ang tiyan mo sa gutom, babagal ang metabolismo mo. Tataba ka pa lalo.  Tama na ang tatlong beses sa isang araw kumain.  Lima pala, isama mo ang morning at afternoon snacks. Matulog ng maaga para makaiwas sa midnight snacks.

2. Uminom ng maraming tubig. Minsan kasi, nami-misinterpret ang uhaw sa gutom. Kapag walang laman ang tiyan, feeling mo gutom ka na agad. Punuin mo lang ng tubig yun. Hindi porke’t hindi ka nauuhaw ay hindi ka na iinom ng tubig. Maiging maya’t maya ay umiinom ka. Pampatanggal antok din yan sa trabaho.

3. Gumamit ng maliit na plato. Ayon sa isang research, mas konti ang nakakain mo kapag maliit ang plato mo. Siyempre, hindi ka ba mahihiyang nag-uumapaw na ang plato mo sa dami ng gusto mong kainin. Makakailang rounds ka rin babalik muli sa buffet table kung gayon. Mainam din na gumamit ng maliit na kutsara.  Mahihirapan kang kumain, mawawalan ka ng gana.

4. Mag-toothbrush agad pagkatapos kumain. Sa ganitong paraan, sarado agad ang gana mo dahil sa mint ng toothpaste. Saka,  kung may bagong pahabol na mga kakanin, hindi ka na kakain. Gugustuhin mo bang masira ang ‘fresh breath’ mo?

5. Galaw galaw. Hindi naman necessary na mag gym ka talaga at pilitin ang sariling mag jogging. Tama na ang kumilos ka sa gawaing bahay, maglakad-lakad minsan, magliwaliw kung saan, magbantay ng makulit na bata, maglaba, mag-igib, magsibak ng kahoy, mag-aral (oo, nakaka-burn din yun ng calories! sobra!), o gawin ang best exercise *wink* .

 

Para-paraan lang yan. Ang pag-aalaga sa katawan ay parang pagpapatakbo ng isang makina. Kailangan may palagiang maintenance. Kailangan linisin minsan. Kailangan din gamitin para hindi kalawangin.

 

9 thoughts on “Paano maging slim?

  1. Pingback: My kind of physical | Hullo everyone!

  2. kaya ako nag papapayat kasi hindi na sa akin nagkaka gusto yung crush ko.Basta kahit wala ng gusto sa akin crush ko atlis papayat na din ako kapag ginawa ko ang mga gawain na ito.Kasi dati naman payat ako noon at tsaka noong dati marami akong kumain hindi ako tumataba pero ngayon ang taba taba ko na.Noong isang araw sinabi sa akin ng kaibigan ko yung old friend ko daw pinag sabihan ako ng mataba.kaya nagalit ako eh siya pa nga mas mataba sa akin sabi ko dun sa kaibigan ko. palibhasa kasi maldita yung old friend ko kaya naiinis ako kasi naging kaibigan ko siya mga grade1,2,3 pero ngayong grade four my bago na akong friend. atlis pangalan kasi ng crush ko kasi siya naman yung my crush sa akin pero ngayon hindi niya na ako crush kasi mataba na ako eh.ay oo nga pala yung pangalan nga pala ng crush ko ay yram buenaventura okay thanks sa pagbasa ay oo nga pala ako nga pala si bettina andrea f. limosnero thanks mag tanong lang kayo sa akin thank you uli.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s