Grrr!

Sa paglipas ng panahon, kukupas ang pintura, makikita ang bulok at kinakalawang na.

Mahigit limang buwan na mula ng lumipat ako ng boarding house.  Akala ko ‘this is the one’. Not until, my landlady is getting into my nerves.

Strike 1: April 8,2013 8pm. Excited akong makita sina mama at papa bukas. At dahil ‘courteous’ nga ako (as I claim, hayaan nyo na), pinaalam ko kay ate landlady. Umakyat si ate sa second floor nun at kukunin ang mga nakasampay na damit nila.

Me: hmmm, ate, darating nga pala sina mama bukas.

Ate: Ilang araw na naman?!

I don’t know kung normal lang ba talagang response yun, pero the way na pagkasabi niya eh parang ayaw niyang nandito sina mama at papa. May tunog pagdadabog. Hindi ko naman nakakalimutan ang mga sabi niya noon. “Ayos lang kung pumunta dito yung mga magulang niyo paminsan-minsan. Bahala na kayong magsiksikan sa kwarto ha.” 

Nakita kong nagsalubong ang kilay ng kapatid ko at mukhang sasagot yata talaga at papatulan si ate kaya dinilatan ko ng mata at sumagot ako kay ate:

Me: Hmmm mga five days poh. Hanggang sa katorse. *sabay lingon sa kalendaryo at titig sa kapatid kong imbyernang imbyerna*

Ano nga kaya ang ayaw niya kina mama? Kung ayaw niya naman kasi, pwede namang patuluyin nlng namin sina mama sa ibang bahay or lodging house. Kung gusto naman niyang mag-additional bayad (para sa kuryente at tubig), aba eh ayos lang talaga sa akin. Ang nakakainis lang eh yung pagpaparinig niya. Propesyunal naman kami pareho. Bakit ba ayaw niya kaming direktahin.

Kaya naman kinabukasan, pagdating na pagdating ko pa lang sa bahay galing duty, sinabi ko agad kina mama ang nangyari. At dun, nagsimula ang connect the dots.

Nun kasing marso lang, pumunta dito sina mama para sa graduation ng kapatid ko. Sa huling araw nila bago umuwi sa probinsya, eh nakisuyo si mama na kung pwede bang matulog ng kahit isang gabi ang tiyahin ko para sabay na silang pumunta ng pier bukas ng madaling araw. At ang nakakawindang na sagot ni ate:

Ate: Ayaw ko sana, kaso naka-Oo ka na eh, kaya wala na akong magagawa.

Unbelievable! Hindi nakapag-react si mama. Hindi pa naman siya talaga um-Oo sa tiyahin ko kaya lang hindi na siya nakasagot. Na shock sa response ni ate.

Kung pwede naman, sana simpleng ‘OK’ nlng. Kung ayaw, sana sinabing “sorry, pero hindi talaga pwede”. Wouldn’t it be better? Naman! Maiintindihan naman namin. To think mas nakakatanda pa talaga si mama kesa sa kanya ng mahigit limang taon. Ganun makapagsalita.

Ang nakakatawa pa dito, supervisor siya sa isang hotel. Ganito ba siya magtrato ng bisita nila?

__________________________ *deep inhale*

Siguro nga’t baka may pinagdadaanan lang siya nitong mga huling araw. Or baka merong regla. Sa paghihintuha namin ng kapatid ko sa psychology ng mga pangyayari, heto ang aming mga findings (nursing student din ang kapatid ko):

– Obsessive – Compulsive si ate. Ayaw niyang may pagbabago sa sistema niya. Dapat maayos ang lahat. (naku! kung alam niyo lang!)

– Dahil wala siyang anak, baka naiinsecure siya pag kumpleto kaming pamilya.

– Dahil naoperahan siya sa ovaries, may feelings of anger detachment insecurities siya towards women with children.

– Dahil supervisor siya sa hotel, napa-practice niya minsan sa bahay na pagalitan ang mga staff niya. (may do not disturb sign pa sa pinto ng kwarto niya!)

– Baka ganun lang talaga yung tono ng pananalita niya. Ilonggang iba ang punto. (diba malambing ang mga ilongga?)

– Baka nga sa sobrang taas ng pagtingin niya sa sarili, eh hindi na niya nakikita ang mga actions niya. (alam ko na gift ko sa kanya sa pasko… salamin!)

___________________________ *deep inhale*

Idinasal ko rin si ate, na maintindihan ko siya, ang sarili ko na bigyan ng mas mahabang pasensya, huwag mawalan ng respeto sa kanya, to watch my words, na huwag labanan ang apoy sa apoy. Maging cool lang.

Si Lord naman, ang bilis ng response. Nitong umaga lang, parang biglang ang bait ni ate sa akin. Grabe naman!

 

Final diagnosis: mood swings.

 

Kaya lang, ang pendulum, isang fraction of a second lang sa bottomest point. Madalas, nakaswing. Nag Strike 2 si ate. *sigh* Hindi ko na ikukwento, baka napatid na si ate sa panlilibak pagkukwento ko tungkol sa kanya. 😀 Smile nlng. Utuin ang sariling ok lang hanggang sa ang mismong mundo na ang maniwala, the least you know it, nawala na ang problema. Sana.

 

Ipinagdarasal ko ang paghinto ng swing, Lord.

Advertisements

5 thoughts on “Grrr!

  1. iba iba lang talaga ang tao. Dapat lang talaga maging honest at next time siguro tanungin mo kung need nyo magbayad ng extra dahil sa extrang people. Or else, you are doing great. Mapagpasensiya at maunawain:)

  2. Ha, parang ako siguro yung kapatid mo, maiimbyerna ako to the highest levels! Naman! Ginanon ang Nanay ko??? Aba, bakit ganyan ka magsalita e nagtatanong ng maayos, di mo alam i spell ang respeto te? *inhale, exhale*

    Sorry RD ha, buti nalang at mabait kang bata. Ako kasi madali magpanting tenga ko LALONG LALO NA kapag MAGULANG ang usapan. Pero tamang response yan, kausapin ng mabuti. *Inhale, exhale.*

  3. agoii, prehas jud unta mi’g reaction sa imu manghud, kalma ra bya kau q masuko 😉 hahahah

    pro maau nlng k taas ka’g pasensya nak 🙂

    and so AGAIN i wonder, anak jud kha tka? heheheh *hmmm., well…

    yes, of course ;)*

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s