ER: Unang Tatlong Araw

Masakit daw pag first time. Madugo. Mawawala ka sa sarili.

Day 1. April Fools. 

Ewan ko kung nakisabay sa April fool’s day at hindi sumipot ang dalawang kasama ko sa duty. Dalawa na lang kami. 2 vs. 20+. Emergency room-Internal Medicine. Unang araw ko. Hindi pa alam ang gagawin. May dalawang naka-‘bagging‘. Nag arrest ang isa. CPR agad! eh perstaym na actual patient na talaga. Tagaktak ang pawis. Nalabanan ang gutom. Natanong ang sarili: bakit ko nga ba pinasok ito?

Umabot na ng ikalimang epinephrine bago idineclare ni doc na wala na talaga. Unang araw at isa na ang namatay na pasyente ko. Agad-agad. Ganun kabilis dumulas ang buhay. Ang tanging nasabi ko lang sa anak niya: iiyak mo lang yan ma’am. at least makakapagpahinga na siya. 

Ewan ko kung tama ba ang nasabi ko. Basta nung matapos na ang aksyon at humupa na ang adrenaline rush, saka ko lang nadama ang pagod. Ang sakit ng binti at paa. May blister pa.

Itinulog ko na lang ang lahat. Idinasal ang sarili, mga pasyente, at ang mga kapwa nurse. Pati dun sa mga umabsent kong kasama. Smile na lang.

Day 2. ECG Man.

Nung studyante pa ako, isa sa ikinaka-buhol ng utak ko ay ang ECG tracing. Pero aba ngayon, halos ako na ang nag-aattach. Medyo mahina pa sa pag read pero mas naa-appreciate ko na ang linya linya dun sa papel.

Pumasok na rin pala yung umabsent kahapon. Yung isa pa lang. Ayun, ako na ang may advantage dahil first day ng tatlo kong kasama. 4 vs 32+ na ang laban. Amin ang advantage. (?) Dalawa na naman ang nag arrest at namatay. Hindi ko ‘load’ ( hindi na-assign sa akin). I guess parang sadya talaga yun na dapat ay maexperience namin bawat isa lalo na sa ER at ng matuto.

Depressing man, natatapos din ang lahat sa isang kwentuhan. Nagiging kwento na rin lang ang kasalukuyan.

At yung hindi sumipot kahapon? Ha! Gulo gulo ang buhay! Nataranta ata. Hindi natapos lahat ng gagawin at documentation bago matapos ang shift. Naawa ako sa kanya. Napagalitan ng team leader.

Eh kasi naman eh, kung pumasok ka lang kahapon, edi makakasabay ka na sana (ng konti) sa tugtog. Ayan, natisod tuloy.

Day 3. RR.

Nagising ako ng medyo huli sa oras. Natulugan ko ang alarm! Sobrang pagod na nga siguro.  Buti na lang at pagdating sa bundy clock, eh late din yung relo. Advanced ng 15 minutes yung relo ko. Pero mas nakuha ang atensyon ko sa pulang ballpen sa ibabaw ng pangalan ko sa schedule na nakapost. RR ang nakasulat.

Resuscitation Room! dun ako ngayon! Wow! aircon dun!  

Pero biglang bumagsak ang excitement ko ng pagdating ko dun eh ako lang palang isang maa-assign. Walang regular staff na kasama. First day ko pa sa RR. 3rd day ko lang sa ER. at iiwan nila ako dito kung saan pinpasok ang mga pinakapangit ang kondisyon dala ng ambulansya. Tapos na ang April fools pero niloloko pa rin nila ako!

Matapos kong ilagay ang bag sa ibabaw ng locker (wala ng vacant), sinilip ko ang RR. Na siya naman pagpasok sa isang pasyente. Sensing na ako ang papalit, tinawag agad ako ng night shift (isa lang rin siya, pero at least matagal na siya dito). Bagging agad. Parang nauntog sa bilis ng pangyayari. Agad agad ha! Nilalapitan ba talaga ako ng mga pagkakataon?

Mabuti naman at nakaalalay ang mga senior, aides, residents, at si Lord. Sa walong oras, naka limang pasyente ako. Tatlong inatake sa puso sunod sunod na dumating around 8am-9am, 2 of which nainsertan-endotracheal tube, ngt tube, at ako mismo dun sa catheter, may  bagging para makahinga, yung pangatlo inilipat sa cubicle ng maging stable. Bandang alas onse, may isang babaeng nagsi-seizure ng walang tigil. Kahit na nabigyan na ng gamot. For CT scan pa pero walang pera. At bago matapos ang shift may dinalang PTB (pulmonary TB) nasa pangit ang kundisyon.

Natapos ang shift at priority ko na ang puntahan ang taga-gawa ng schedule para humingi ng solusyon sa imbalanced na schedule. To my amazement, on the works na pala ang pagbabago nila.

___________________

Flexibility. Endurance. Alertness. Anticipation. Communication. Open-mindedness. Willingness to learn.

 

Realist_-_W_A_Ward_Brown_grande_______________

Masakit daw pag first time. Gayunpaman, natatapos din ang walong oras. May matututunan ka pa rin sa mga pangyayari. Yun ang mahalaga. Na-2-2-2.

__________________

Day off ko na bukas! Makakapagpahinga na rin ng mahaba-haba. Recharge ulit. Sana ay makaipon ng sapat na enerhiya.😀

 

P.S. pasensya na sa typo! hindi ko na masyado na proofread.

 

6 thoughts on “ER: Unang Tatlong Araw

  1. Grabe. Ang heavy!!! @_@
    Naalala ko tuloy yung roommate kong med student. Dinner namin palagi ang pag usapan ang mga naging pasyente nya. Si ganito namatay, si ganyan naman pinanganak, si ganito stage 4, si ganyan naman benign.

    “Adventures” sa ospital! Pahinga ka mabuti Nurse RD!🙂 God bless and gow lang ng gow!

  2. Wow! Very hectic at talaga naman na very challenging. Pero ok ka naman dahil positive ang outlook mo:)
    Salamat nga pala at mag join ka sa ” Letter to God contest.”

  3. dahil ang tunay na nurse ay hindi basta basta nasuko. Alam mo yan. hehe

    napapareminisce din tuloy ako sa toxic days ko. Yung tipong mag-isa ako sa ward with 28 patients. imagine . Chart , meds , VS , IV , occassional CPR din. hahahha

    pag nurse ka superhero ka. lol

  4. Malungkot man isipin, pero ganyan talaga ang realidad sa loob ng ospital. Parang pangkaraniwan na pangyayari na lamang ang mga namamatay. Salamat sa iyong pagaaruga sa mga pasyente.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s