Silang mga Tagabantay

Hello dyan! Matagal tagal na rin pala akong hindi nagsusulat. haay, medyo napaos yata ang ‘writing voice’…heto na, namamalat pa rin pero sige, sa ngalan ng pagbablog!

Tatalakayin ko ngayon ang tungkol sa mga tagabantay. (tunog lecturer?)

Silang mga tagabantay. bow.

S.O. or significant other ang tawag namin sa kanila. Yung tagabantay ng kanya-kanyang pasyente. Sa dalawang buwan ko sa ospital, may mga napansin ako (at ikukwento tungkol sa kanila). syempre, malilimutan mo ba naman ang kanya-kanyang personalidad na nakakasalamuha mo araw araw? eh, diba nga, nasa pedia ward ako, hindi kami masyadong nag-uusap nina baby. hanggang, ‘bunchik-bunchik ang cute cute mo’ lang ako. ‘Oha oha‘, sagot naman nila.

_________________________

Simulan ko na sa mga Lolo’t Lola. Kadalasan, sila ang may pinaka-“pleasing” personality. “Nars, please paki tingin yung dextrose, hindi na tumutulo.” “Nars, please pakipunta dito, mukhang namamaga ang kamay ni baby.” “Nars, please, paki-bilisan.”

Oo. ganun sila ka pleasing. Pero, sa kanila ako nakakakita ng sobrang pag-aaruga. Hanep kung makabili ng prutas. Ang swerte swerte ng mga apo. Sila rin ang minsan lng talaga kung magalit sa pasyente nila. Sa mga nars pa, Oo. Pabalik-balik sa station nagtatanong ng kung ano-ano. Kumusta na ang estado ng pasyente, mga ganyan.

Strategy ko naman, explain every procedure. Lolo, magbibigay po ako ng gamot, para po ito sa … Lolo, kailangan nyo po itong i-process sa cashier at ng ma-x-ray po siya para tingnan ang baga ng pasyente nyo po… Nakaka-antok po itong gamot na ito kaya expect na matutulog yang pasyente nyo…

Napansin ko, sila rin ang malakas magbigay sa mga nars. May libreng kape, tinapay, o kalamay. 😀 yun eh, bawal tumanggap pero nagpupumilit kaya patago nalang.

Isa rin sila sa mga pinaka-strong-willed. Yung tipong kung medyo nahihirapan na yung mismong mga magulang ng bata…

Magulang ng bata: Pipirma nlng kami ng waiver. Uuwi na kami, wala na kaming pera.

Lolo: ano ka ba? nahahanap naman ang pera eh. Lalapit ako sa social worker. O sa mga pulitiko. Hindi tayo lalabas hanggang hindi magaling ang apo ko.

Bilib talaga ako sa kanila.

_______________________

Susunod sa aking listahan ay ang mga Batang Ina. Mga nabuntis ng hindi sa oras, may ibang may asawa, may ibang single mother, may ibang kasado na maaga lang talaga, mga sa unang tingin ay malilito ka kung kapatid nung bata or ina niya.

Awkward sila tingnan. First time mothers kasi kaya hindi pa marunong kumarga ng bata, lalo na magpa-breastfeed! Pero, sila naman sa tingin ko ang pinaka-open maturuan. Yun ay kung matibay ang support system. That, I mean, pinanagutan ng lalaki or sinalo at hindi itinakwil nina mommy. Compliant sila kapag ganyan. Pag may reseta ng ipapabiling gamot, 5 minutes, anjan na agad. Complainant din sila minsan. Lalo na kapag hindi nila alam ang gagawin.

 “Nars, anong nangyari sa pusod ni baby, natatanggal yata. normal lang ba yun?”

Nars: Opo mommy. Natatanggal po talaga yan. Hayaan nyo lang.

“Nars, humihinga pa ba si baby?”

Nars: Opo. tingnan niyo yung tiyan oh, gumagalaw paitaas paibaba. ♪♫♪ paikot ikot pa.♪♫♪ boom tiyaya boom yeye.

Ang masaklap sa parte ng pagiging batang ina ay kapag hindi sila masyadong nakakuha ng support system. Ang ending, walang paki sa anak. Iniiwan iwan lang. Hindi masyadong nagpapasuso. Irritable. Sa huli, Mama to the rescue again!

Madalas kaysa minsan,may nagaganap na Batang Ina vs Lola. Hindi ko malilimutang maging witness sa away mag-ina. tsk. teenage pregnancies and its downfalls.

_________________________

Up next ay ang mga Tatay. As expected, strikto, firm. Sila ang mas emotionally stable at madaling kausap. Sila rin kadalasan ang gumagawa ng big decisions. Katulad ng pagpapa-opera or kung anong invasive na procedure ang gagawin.

Night shift silang tagabantay. Kahit na nasa trabaho sa umaga, didiretso pa rin sila pagkatapos para makapagpahinga naman ang asawa nila. Hanep sila mag-alaga ha. Pulido kung mag-trabaho, ika nga. Sila ang hindi takot mag-assist kapag nag-IV insertion at nagpupumiglas si baby. Ang higpit ng restraints!

Proud daddy din sila. Madalas kong mapansin na kinakarga at inaalog ang mga baby nila at tino-tour sa buong ward! Parang sinasabi sa lahat: Heto ang anak ko! Daddy, baka mahawa po yan sa ibang bata dyan. 

_________________________

Not so Rare incident, mga Utol or kapwa bata ang nagbabantay. Mga panganay, most of the time. Ginagawang entertainer ng mga ina, kalaro ng pasyente, tiga-bili ng diapers, mga maliliit na utos. Kadalasan silang naiiwan para tingnan lang yung pasyente. Tingnan, literally.

_________________________

Siyempre hindi mawawala ang mga Instant Mommy. 

Another rare incident. Namatay yung tunay na ina nung baby pagkasilang kaya yung kapatid (bale, tita nung bata) na ang tumayong ina. At may anak pa siyang 8 months old ha. At nasabi ko bang twins yung anak ng kapatid niya? 3 babies na ang binubuhay niya. Go breastfeed!

At idagdag mo pa dyan ang mga lola na naging ina muli.

_________________________

Lastly, ang wala. Walang tagabantay. Iniwang bata. Either permanently or temporarily lang. Baka bumili ng diapers, pumunta sa pharmacy, natulog, nasa CR, may inasikaso sa billing…

Enter: Nurse to the rescue!

Pilit papatahanin ang umiiyak na bata. Papalitan ng diaper na basa. Ikakarga. Papasusuhin. joke lang. Kung ayaw tumahan, let’s hope na maexercise ang vocal chords ng todo at maging sikat na singer someday.

__________________________

Ayan, sa hinaba-haba ng istorya, natapos din.

Paos ba ang boses? pasensya na talaga.

Good day sa iyo!

8 thoughts on “Silang mga Tagabantay

  1. napangiti ako su nsa mga pleasing na tagabantay… totoong totoo. wahahaha

    Eh nung student ako nakakailang kumuha ng RR kapag nagbebreastfeed yung nanay. ahahha …. Tapos kailangan may VS kang ipapakita at ipaplot. lol

    wala alng naalala k lang.

  2. hello, Dale… ang ganda nito. this was the best post i read noong march 02, hehe. actually, natutuwa ako basta gumagawa ka ng ganitong posts, they show your touch of the common and the ordinary. tapos, may ideals din, kumbaga. nakaka-elevate, ano raw? 😉 ah, basta? hope things are well. regards… 🙂

Leave a reply to sa saliw ng awit Cancel reply