Mi Obra Maestra

 

mi obra maestra

mi obra maestra

 

Hindi po iyan kulungan ng manok.

Hindi rin po ito kariton sa gilid ng kalsada.

Mas lalong hindi po iyan gawa ng pamangkin o ng grade school pupil.

Ito po ang ebidensya kung gaano katalas ang aking artistic skills. πŸ˜‰

Bale, sa ginawa naming ward class, tungkol sa mga Policies sa Ward; kung anong bawal ganito ganyan, ito yung gamit kong props.

Para hindi na kayo mahirapan sa pag-interpret sa mensahe ng obra, heto:

1. bawal iwanan ang pasyente ng mag-isa (kaya makikitang walang bantay na ina o matanda) pero bakit may bata? wait lang. basa ka sa number 2.

2. bawal bumisita ang mga bata 12 anyos pababa. (klaro ba ang <12 y.o. na nakasulat sa damit ng batang babae sa gilid?)

3. ang visiting hours ay mula 3pm hanggang 6pm (pero kita mo naman ang relo sa itaas? alas dyes.)

4. bawal magsampay ng damit o kung anuman sa crib.

5. bawal magsindi ng katol (including any na maaring panggalingan ng apoy) kasi naman, may oxygen kaya sa hospital, baka magkasunog. oxygen supports combustion pa naman.

6. bawal magdala ng radyo (radyo po iyong nasa ibaba na parang may antenna)

7. bawal magdala ng nakalalasing na inumin (katabi ng radyo, may bote na may RH)

8. bawal magsabit ng plastic ng basura sa higaan (see the plastic on the left corner of the crib? )

9. bawal magkalat

10. bawal maglagay ng bag sa ibabaw ng kama (Oo. bag po yung hindi nyo mawari sa may uluhan banda ng bata)

11. at marami pang iba

 

may nakapansin bang walang rails sa front side ng crib? hahaha

Glass? akala nyo?

tsaka to clarify things, baby po yung nakahiga. hindi po yan naputol na daliri.

_____________

Paalala: pinapahintulutan ko po ang anumang komento (positibo at negatibo) LIBRENG LIBRE po ang manlait. GO!

Para sa anumang klaripikasyon tungkol sa aking guhit, magkomento lang po sa ibaba.

 

 

PS. may gusto bang magpa drawing jan? hahaha

Advertisements

8 thoughts on “Mi Obra Maestra

  1. This made my day. Nakakatawa ang iyong mga salita, nakakatuwa ang iyong obra maestra. Natutuwa akong makakita ng gawa ng kagaya kong magaling magdrawing. πŸ˜€

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s