Mr. DJ?

Sa dami ng nanghihingi ng advice, pwede na akong magtayo ng programa sa radyo.

Yung totoo? Mukha ba akong DJ? Hindi na man ah.

At past na ang DJ na yan. Tapos na ako sa mga J. 

Palagian (mga kahit twice a month) meron at merong nanghihingi ng payo tungkol sa lovelife nila. Kung ano daw gagawin sa jowa nilang ayaw na silang pansinin, kung ganun ba daw talaga kaming mga lalaki, manhid ba daw kami, immature, magaling magpalusot at lahat lahat na pwedeng ibato. Sa ganitong mga panahon, I play the role of the talk show host. Tanong lang ng tanong. Facilitate ventilation of feelings. 

Ang problema kasi sa iba, nakikinig para makapag-comment agad at magmarunong (dahil in the first place naman, payo ang hiningi, edi ayun ang ibinigay). Pero nakakalimutan nila (ko) na minsan, kailangan lang nila ng may nakikinig. Or in some case, kailangan may nagrereply sa drama nilang mga nagdadrama sa text. It is to offer presence. 

May iba rin naman na nakalimutang nars ako at hindi doktor. Nanghihingi ng reseta. Ano daw gamot sa kati-kati sa singit, ganito-ganyan. Ano gagawin kung delayed ang menstruation, may suggestion ba daw ako paano makabuo ng bata (ako na walang anak? at virgin?), at minsan sa kahit na simpleng gamot sa lagnat at sakit ng ulo na paulit-ulit naman na nasa mga commercial sa tv. Haaay. Yung totoo? Nanlalambing lang eh no? Nagpapa-pansin din? Oo na. I care for you. Sasagutin pa rin kita sa abot ng akong makakaya.

 

Pero minsan one time, ng medyo nainis ako ng konti dahil sa tanong, ayun, BOOM!

< Dale, anong gamot sa pagod?

 

 

 

 

 

 

 

 

> PAHINGA. *sigh* with matching serious look.

 

Naman kasi eh! ginusto mo yan eh!

___________________

 

 

May humirit pa! Kalagitnaan ng usapan, biglang:

 

 

< Dale, kelan ka magpapakasal?

 

 

Adik! Eh, single na single ako ngayon! Anong tukso yan?

______________________

 

Ang hirap maging DJ sa totoong buhay. Ang daming callers. Paano pa kaya si God?

 

Advertisements

23 thoughts on “Mr. DJ?

  1. Maybe they just … (okay kaloy wag mag ambisyong umingles!) nakakakita lang talaga siguro sila ng kapayapaan kapag ginagawa ka nilang dj. Isipin mo nalang iakw si Chocho ang male version ng dyosa ng radyo. 😀 Nga pala anong magandang gawin kapag ung ka m.u mo na mahal mo na biglang binalikan ang mukhang bakulaw niyang ex? Hahahaha!

    • maraming salamat sa pagtitiwala dito sa ating programa sa radyo kaloy…

      siguro ay dapat mong bigyan ng salamin ang ka MU mo at ng maliwanagan na bakulaw ng ang kanyang ex. haha

  2. Ang galing magpayo! Bigyan ng jacket! at ng Wilfone!
    Haha. I also have friends like that. Feeling mature rin ako minsan kahit sa loob loob ko: Wala akong alam sa mga pinagsasabi ko. Haha. But I agree with everything you said. Kelangan lang ng presence ng iba at ng willing makinig. Mahirap nga lang ang maging shock absorber. Hehe. Apir dre! At ilalakad ko kay Kuya Wil ang jacket at wilfone!
    Happy New Year!!
    from The Learned Ignoramus AKA The Math Teacher (of themathteacheralsoreads)

  3. hmmm.. i had a lot of similar thoughts about this post nak..hahah.. i hear you :)) and to my dismay, i understand.. (k na.experience q na tnan, and it sucks.. ’cause sometimes i spent sleepless nights. sa problems s uban)., but what i loved about this post is your last question.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s