Tayuan Sessions

Tinayuan ako. I mean, tinayuan ko ulit ang unang araw ko sa hospital.

Noon, kaya ko naman eh. Pero ngayon parang humina na yata ang tuhod ko. May dalawa akong gustong sisihin. Una, ang sedentary lifestyle ko. Kain-higa-tulog kaya ang hina ng paa. Hindi na ako sanay sa tayuan episodes. Pangalawa, tumaba ako. Hindi na nakakaya ng paa ko ang bigat ng katawan (especially ng tiyan) ko. Ayun, diet diet din.

Pagod ako pero heto ako at nagtitipa (ito ba ang tagalog ng ‘nagta-type’?) dis oras ng gabi para lang magkwento. Pagod ang paa ko pero ang mga kamay hindi!

Baby stories na nirerequest? Heto oh. Breastfeeding.

Base sa E.O. 51 a.k.a. The Milk Code of the Philippines, dapat ay exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan ng buhay. EXCLUSIVE. Walang kahit ano. Bawal formula milk, lugaw, sabaw, juice, softdrinks, redhorse, tequilla, etc.

Pero heto si Ateng. Nagdala ng bote ng gatas. Hanep din. Kitang-kita pa man din.

Tinanong ko siya. Minsan Madalas, mabuti rin talaga yung nagbibigay ng oras para makipag-usap sa mga pasyente (or in this case, sa S.O. or significant other; alangan naman si baby ang kausapin ko diba?). Andaming istorya at anggulo sa problema.

Nalaman ko ang kwento sa kung paanong isang sitwasyon,  ng wala ang ina dahil kinailangang lumayo at iwanan ang 2 months old na bata at pasusuhin sa ibang ina para lang may makain. Ayun, kinailangang i bottle feed kalaunan.

At si baby naman na nakatikim ng bago, ayun, nahumaling kaagad at kinalimutan na ang nipple na unang nagpakiliti sa busilak nyang mga labi. Na kahit pilit pang suyuin at lumapit ng orihinal ay labis ang pagtanggi.

Minsan, naisipang gutumin na lang muna at ng sa gutom ay mapilitang inumin na lang ang dating inumin. Ngunit, nanaig ang awa sa iyak at luha. Walang nagawa.

Sa ngayon, panay pa rin ang suyo ng ina. Kinakalabit pa rin ang mga labi at ng masanay muli. tsk. Breasfeeding is still the best for baby. Pwede naman sanang expressed breastmilk yung pinainom. tsk. kung may nakapagsabi lang sana noon.

_______________

Napahaba yata. Dito na lang muna. Maaga pa ako bukas. Hanggang sa muli!😀

 

3 thoughts on “Tayuan Sessions

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s