Lagari

Ang tagal kong hindi nagba-blog! Tatlong araw na ring hindi ako nakapag-post. Andaming nangyari.

Lunes kasi ng pumunta ako ng NBI para kumuha ng bago kasi expired na. Ang post nung martes ay bunga ng mahabang paghihintay sa pila. Ayun, sa pipitsugin kong cellphone ko lang yun tinipa. May naging makabuluhan naman yung paghihintay at muni-muni.

Miyerkules ng sinamahan ko ang auntie ko sa hospital dahil sa asthma attack. Bilang pamangking nars at kapit-kwarto naman kami tumitira, sinamahan ko na siya. Konsensya na rin kaya kahit pagod pa ako matapos labhan ang santumpok kong labahin at 4 hours lang ang tulog, eh ayun, go.

Huwebes ay umabsent ako sa trabaho at pina-check ko na rin ang mata ko. Pagod ako at kailangan ko ng medical excuse at dalawang taon na rin ng hindi ko napatitingnan itong tantalizing kong mga mata.😛 Sabi ni doc, pwede ko ng tanggalin ang eyeglasses ko. Pero kung ganito’t nagbablog ako parati at kaharap ang mga radiation ng computer at gadgets, ayus na rin gawing pananggalang ang salamin. Four-eyed monster no more.

Nagmeet up na rin kami sa Project Burger at nag-usap sa mga magiging detalye. Malaki naman ang inusad ng pagtatagpo. Mas nagiging klaro na. Wala pa ring petsa. Ang busy ng mga nars eh.

Byernes ay pumasok na ulit ako sa trabaho, kaso nagkasakit na naman ang isang japanese na manager kaya kailangang dalhin sa hospital. Out of the office na naman si RD. Yun lang ang insikaso buong araw. Ang dami ko pa naman sanang gustong isulat.

_____________________

Matapos akong araw-araw na may ipinost last week, eh gayun din katumal ang post ko this week. Martes pa ang huli.

Hay buhay, in and out na ako ng hospital. Bukas, magdodonate ako ng dugo sa kapatid ng kaibigan kong nasa hospital.

Napagtanto ko lang, siguro nga ay tinatawag na talaga ako ng hospital. Baka nga kailangan ko ng magbalik-loob.  Sana matanggap na ako.

Kung mangyari man yun (hay sana), it would mean less blogging time dahil wala na akong sariling PC, kaya paumanhin sa mga readers dyan, kung meron man. Di bale, sisikapin kong magpost kahit isang beses isang linggo. At magpapaalam

____________________

Halata bang walang kwenta ang post na ito? Medyo lutang pa rin kasi ako. Kailangan ko nang matinding double dose ng multivitamins. Pasensya.

_________________

Na hit ako! (sa NBI)

 

krimen na pala ang magmahal?

4 thoughts on “Lagari

  1. Nasa Hit List ka rin? Kakashare ko nga lang bad experience ko about it.
    Anyway, mas mabuti na yung walang tulog kesa walang gising pero hindi kelangan parin ng tulog kundi bababa ang quality ng iyong productivity.
    Ayos lang yung di ka na madalas mag blog basta ba may magandang oportunidad kang makuha. Sabi nga nila it’s not the quantity but the quality of blog posts that counts. Although lahat naman ng post mo may magandang quality so hindi issue yun.
    Sana matanggap ka na, good luck dun. Take care lagi and keep it real Dale.😉

  2. hello, dale… gusto ko ang pahimakas. humirit sa huli? hihihi, ikaw na… ^^

    “Na hit ako! (sa NBI)

    krimen na pala ang magmahal?” – nyehehe😉

    itulog mo ‘yaan, kapatid, di nga… wishing you a restful Sunday🙂

  3. Pingback: Chainsaw « realdale

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s