Walang Relasyon pero may Tawagan

 

Hindi ko talaga alam paano ko sisimulan itong ikwento. Basta na lang nagkaroon ako ng Mommy, Anak, Kapatid, Lurve, at iba pang korni na endearments sa iba’t ibang babae. Trust me, hindi ko sila mga chicks. At wala rin akong gusto sa kanila noon at ngayon. We’re just friends. Walang halong showbiz. (teka, artista ba ako?)

In no particular order, heto sila.

 

Honeybunch

Ito na yata ang ultimate na eeeiiick! Pang-asar lang sa akin ito ng bestfriend ng pinsan kong pulis na babae. Oo. Pulis na babae at lalakeng Nurse. Perfect combo? hahaha Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit close kami ng konti eh parang kuya ko na rin siya.

Honeybunch, wala akong masabi. Hindi mo rin naman ito mababasa. Good luck na lang. Kung nasaan ka man ngayon. (P.S. Sabihin mo kung saan mo nabili yung ‘orig’ na sapatos mo. Sige na.) Inuman tayo!

Camera shy si Honeybunch. Ako yung hindi masyado.

 

Anak

Wala pa po akong nabuntis na babae. Sadyang ewan at kung bakit bigla akong nagkaroon ng anak. Dad ang tawag niya sa akin dahil sa tangkad ko at liit nya. Para nga siyang kindergarten na napadpad sa college of nursing eh. Pero kagaya ng majority ng mga kinder, cute din siya. Siyempre, anak ko yun eh!

Anak, I would like to dedicate to you a song from glee. ♪♫♪ Don’t stop believing! (tatangkad ka rin!) 😛 Ilang months na ba yang dinadala mo? Ay, bilbil nga lang pala noh. Nakalimutan ko. I miss you anak! Gumaganda ang lovelife ah. Pakilatis mo yan sa akin.

Partida pa yan, nakaangat ng isang level yung tinatayuan niya. Ang luma na nito. 😀

 

Lurve

Ito naman siya, naging ka-close dahil sa hilig namin sa libro. Una kaming nagkausap nung nanghiram ako ng itim na aklat ni BO. Hindi ako ang tumatawag sa kanya ng lurve. Siya lang. Pang-iinis nya sa akin. Tinukso ko kasi siyang may crush siya sa akin kaya ayun ang ganti nya. Matanda na ito pero mas bata pa tingnan kesa sa akin. And oh, dahil medyo may kahiligan din nito ang magsulat, napwersa  naengganyo ko siyang mag-blog. Heto nga pala yung sa kanya: shitudiwen

Ate ves, oy yan ha! libre promote yung blog mo. haha Padalhan mo ako ng chocolates ha. May bandila na naman ng Denmark sa stats ko nito. 

Ang higante at ang dwende. :Dv

 

Mommy

Si Mommy ang isa sa unang nakapalagayan ko ng loob simula pinasok ko ang masalimuot na gubat ng kolehiyo. Siya yung isa sa mga nasasabihan ko ng pinaka-intimate na mga sikreto, nahihingan ko ng payo sa mga bagay-bagay (career and lovelife included), at ganun din naman siya sa akin. Pero most of the time, ako yung may kinukwento sa kanya.

Siguro ang dahilan kung bakit kami nag-click eh pareho kaming phlegmatic. Yung laid back. Chill chill lang sa gilid ng classroom. By the way, matanda ako ng isang taon sa kanya pero I would say mature na mature talaga siyang mag-isip. Yun na nga din siguro kung bakit mommy ang tawag ko sa kanya. Siya ay pang-11 kong ina. Sa listahan ko, siya lang ang hindi kadugo or relative.

Mommy, kung naguluhan ka at bakit ako naghingi ng permiso para magnakaw ng picture mo sa facebook, heto yung dahilan. Naw yo no. 

Naalala mo pa ba ito mommy? Konti lang pala pics na tayong dalawa lang. Teka, nasaan na ba si Daddy? 

 

Mine

past is past. K. tnx. bye.

Sam

Si Sam na walang malay. *sigh*

______________

Ang bottomline: lahat sila nagmarka sa buhay ko. May sense kausap at nakakasakay sa trip ko. May marami pa rin namang mas ka-close ko pa kesa sa mga nasa itaas pero wala kaming tawagan talaga. Hindi naman kasi kailangan talaga ng tawagan para masabing close kayo. Sapat na ang alam nyo sa puso niyo kung ano kayo sa isa’t isa.

Sa kapatid ko na anak din ni Mommy, sa bayaw niya na asawa ko, kay Ai, kay ate karen, kuya albert at sa marami ko pang fans  kaibigan na matatagalan kung iisa-isahin ko pa, thank you. Senti na ako masyado.

Videoke naman tayo! tsaka tagay! Hindi ako manlilibre ha. Parti-partida ha. Binabalaan ko kayo.

Advertisements

32 thoughts on “Walang Relasyon pero may Tawagan

  1. Abah, ako ang mauunang magcomment dito ah. hehehe. Oo, pumapayag ako na nenokin mo ang pic natin. hahaha. Malamang din may bandila na naman ng DK sa stats mo. Kasali ako dito sa blog mo eh. hahaha.

    Salamat sa pagpromote sa blog ko. Kailangan ko nang dagdagan posts ko nito at ng di ma-bore ang mga maliligaw sa blog ko. ahehe. Ang chokolade mo… expect mo lang… expect lang ha…

    Curious to the highest level na talaga ako kung sino si Sam. Di mo kasi sinasabi sino siya. Si “Mine” lang tuloy kilala ko. teehaha!

  2. Cute! I’m fond of making friendly terms of endearment but in a subtle way. I call friends with their nicknames but in my own altered sweet way. I really enjoyed reading this post anyway. It gave me nostalgic feelings that I can’t explain in some way.

    Way to go again, Dale!

  3. Wow! Super natuwa ako sa post na ito. 🙂 Ang alam ko kasi girls lang mahilig sa endearment, kayo din pala. So sweet! At yung conclusion mo na lahat sila nagmarka sayo, wow, I like that! Tipong, you earn this nickname!

    Really really nice (Binagalan ko pa magbasa para feel na feel. hehe)

    😀

    • buti at hindi mo naman sinabayan pa ng tugtog ng senti music. yung kagaya ng sa radyo kapag may nanghihingi ng advice sa DJ. hahaha

      salamat sa really really deep appreciation mo dito. 😀

      yung CG series baka next month ko na sundan. it’s complicated. haha

  4. Pingback: No Relationships but with Endearments (A translated post) « realdale

  5. hihi, katuwa naman ‘to…ako naman mahilg magdugtong ng kung ano-anong syllable sa names ng friends ko like ‘pot’, ‘tot’, ‘belles’…parang dalepot 😉

    hellow sayow!

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s