Ang Bigat ng Pasasalamat

 

“Ang laki ng utang na loob ko sa ‘yo.”

Sabi ng isa sa mga pasyente ko.

Sa puntong iyon, hindi ko alam kung ano ang itutugon. “You’re welcome” sana pero parang naasiwa ako. Galawgaw siya ng konti, lalaking tinedyer o early 2o’s pa yata. Ewan ko kung seryoso talaga o nantitrip lang.

Isa pa, nasa isip ko: Wala kang dapat ipagpasalamat. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ito ang pinatutunguhan ng sahod / expense ng kompanya sa akin.

Medyo natawa ako. Sa tono kasi ng pagkakasabi niya, para bang kung anong ‘life-changing’ event na ang nagawa ko.

Nasabi ko na ba ano lang naman ang ginawa ko sa kanya?

.

.

.

.

.

Wound dressing. Simple as that.

Nagka-injury kasi yung kanang paa nya dahil sa pagbabasketball. Mga 1 inch ang laki nung sugat. Pumupunta siya sa clinic kada araw (pangatlong araw na ngayon) para magpapalit ng dressing sa sugat. Ayun, distorbo siya sa pagko-computer ko dito.😀

Siguro nga ay appreciative na tao lang talaga yung batang yun. O di naman kaya’y walang ibang tao ang nagbigay ng concern.

Naaalala ko tuloy yung kwento ng kaibigan ko tungkol sa pasyente niyang napaluha talaga. Sa simpleng pagputol ng kuko!

Oo. Ang drama ni Lolo. Teary-eyed dahil sa nailcutting event na ginawa sa kanya ng kaibigan ko.

“Kahit sino kasi sa mga tagabantay ko dito, walang nakaalalang putulin ang mga kuko ko.”

Naku!  Kung alam lang ni Lolo, bagot lang talaga si Jkob nun. At para na rin may maisulat sa chart na intervention. Dagdag puntos na din sa clinical instructor.🙂

On a serious note, parang hindi yun lang din pala ang pakay ng kaibigan kong ito, umiyak ang mokong!

“Naalala ko ang lolo ko.”

Ipa-MMK nyo na to! Hulaan ko title ng episode na ito: Nailcutter.

________________

Aaminin ko na nga. Sa totoo lang, affected na din ako.

Ganito pala. Ang bigat ng taos-pusong pasasalamat. Tagos.

4 thoughts on “Ang Bigat ng Pasasalamat

  1. kung piso ang katumbas ng bawat pasasalamat na binibigay ng ma nakakasalamuha nating pasyente..malamang, ganun pa din. kakarampot pa din ang sahod natin, asa ka pa. haha char.

    pero, yung totoo. sarap sa pakiramdam nyan. lakas maka-cardiomegaly. haha🙂

    • tama! hepatomegaly idagdag mo pa. baka nga ang bait ko na masyado kunin na ako ni… wag naman sana ngayon.😀

      pwede na rin sigurong panghulog sa alkansya ang piso ng pasasalamat na yan. in a lifetime, baka may chance na mapuno. *sana nga sigh*

  2. natawa naman ako sa MMK part pero oo masarap ang feeling ng may nagpapasalamat sa’yo at ikaw din may pinapasalamatan. Namimiss ko tuloy magturo🙂

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s