Balik-Probinsya: Ang Paglalakbay (part 2)

Mahaba talaga ang paglalakbay ko.๐Ÿ˜€ Heto pa part 2. Bahala na kayong ma-bored.

______________

3:30 am ng magising ako. Pinaglalaruan ako ng batang katabi sa pagtulog. Hinahampas hampas ang hita ko. Hindi na ako nagalit. Ang cute ni baby. Sarap hampasin!ย  pisilin!

Hindi pa rin tapos ang talk show ni Miss Arch at ate kasambahay. Naglalaro sila ng text twist ngayon. Malapit na ring dumaong ang barko.

Good morning passengers. We are glad to inform you that a few minutes from now we will arrive at the port of Ormoc. See you in your next trip. Thank you. –Sabi ng babaeng halatang inaantok antok pa. May ‘bisaya’ accent pang kasama.

Sinundan iyon ng pag-page niya ng mga personnel to prepare for docking maneuver something. Ang sumunod na anunsyo ay 20 minuto makalipas.

Calling all the driver of the rolling cargoes, please proceed to warehouse immediately. –medyo gising na si ate, pero halatang may binabasa. At dahil konti lang yata ang nakaka-gets sa englisan na ito, trinaslate pa niya sa bisaya.

Panawagan para sa mga drayber sa sakyanan, palihog ug ngadto sa bodega karon dayon. (Repeat 2x) –ย Yun naman pala eh! ba’t di na lang binisaya agad.๐Ÿ™‚

Bumaba na ako agad. Isang sulyap at ngiti ang tanging itinugon ko kina Miss Arch at ate Kasambahay bago ako umalis. Nginitian naman nila ako.

_____________

Bagama’t halos tatlong oras lang ang tulog ko as barko, hindi ko nakuhang matulog sa bus papuntang bayan namin, San Isidro. Muntikan na akong mag standing ovation ng apat na oras sa siksikan at agawan ng upuan. Buti nalang at nakaupo pa ang 3/4 ng pwet ko. Sana nga din 3/4 lng ang pamasahe. Hindi talaga kumportable.

Hindi na ako nagreklamo. Excited na akong umuwi! 4.30 ang alis ng bus. Nasa bahay na ako ng 7am. Konting tiis na lang. Bagot na bagot na ako sa sikip ng sasakyan. Nasa bandang likod pa ako kaya parang sardinas na inaalog alog tuwing lubak ang daan.

Buti na lang at may sumakay na lasing!๐Ÿ˜€

Nabuhay ang dugo naming lahat ng sumakay si manong. Nakatayo lang siya kasi siksikan na talaga. Ang daldal ni kuya. Para akong nakikinig ng radyo.

May mga ratsada siya tungkol sa matatandang mayaman (na sinamahan ng green jokes), ang pag-ibig at katandaan (batang bata ang asawa niya), at ang driver-sweet-lover stories. Pero isa sa mga di ko malilimutang birada niya ay ang speech niya tungkol sa pera at paggasta.

Yung pera, resibo lang yan ng saya.

-Manong Pasahero

Napaisip ako. Aba! Hindi lang pala puro yabang itong si manong.

______________

Dumating kami ng San Isidro pasado alas syete. Buti at buhay pa kami. Paano ba namang nawalan ng clutch yung bus. Hindi na makapag-change gear. Buti at may break pa. Pero ayun, itinutulak pa para makausad. Masaklap. Nanadya.

Sinundo ako ni Papa. Siyam na kilometro pa ang lalakbayin ko sakay sa motor namin. High na high na ako. Anim na buwan ko ring di nakita ang bahay namin. Ang lamig ng simoy ng hangin. At ang daming improvements ha. Mukhang di masyadong kurakot si congressman. O dahil lang ba malapit na ang eleksyon?

Basta. Ako. Masaya.

10 thoughts on “Balik-Probinsya: Ang Paglalakbay (part 2)

  1. Natawa ako sa “Buti na lang at may sumakay na lasing!”…
    at first akala ko baka manggulo sya iyon pala e aspiring talkshow host/komedyante at aba may sense! With God’s Grace you’re safe. Mahirap talaga mag travel ng malayo.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s