Para sa Aking mga Binibisita

Para kay Lola S,

sa pagtulong sa mga projects noon, sa pagbili ng kaunaunahan kong video game (Super Mario), sa pagpapatulog tuwing hapon (kaya tumangkad ako), sa pagiging prangka, sa striktong pagdidisiplina, sa pagdadala sa akin sa mga lakad mo sa syudad, sa pagpapalakas ng loob na tanggalin ko ang hiya.

Para kay Nanay V,

sa mga hapong pinagsaluhan natin ang matamis na kakanin (banana cue, kamote cue, at ang paborito mong maruya) kahit na diabetic ka, sa tigas ng ulo, sa binili mong shorts sa akin, sa paghimok sa aking maging nars.

Para kay Tatay P,

sa mga panunukso mo parati sa akin at kay B, sa mga patama mong tagos sa puso, sa pagluluto ng “Sunday Dish” na hindi makuha-kuha ni Mama kung paano ang timpla, sa bike, sa bait kabila ng pagiging lasinggero, sa mga sikretong ibinahagi, sa typewriter.

Para kay Lolo B,

sa mga strolling natin sa madaling araw, sa buhay sa bukid, sa pananahi mo, sa pagtuturo at pagiging inspirasyon para mahalin ko rin ang kalikasan, sa mga prutas, sa sikwate (hot cocoa), sa tungkod mong may nakatagong patalim pala, sa pagpapahintulot mong i-raid namin ang tindahan niyo, sa pagiging tahimik lang.

Para kay Tatay D,

sa mga pamanang nunal, sa pagiging mapagbigay, sa mga bakasyon ko sa bukid niyo, sa mga usapan natin sa veranda, sa iyong mga ngiti, sa hindi pagmimintis na makilala ako kahit hindi ka na makakita.

Sa lahat ng iba pang mga kaluluwa,

kung nasaan man kayo ngayon,

hangad ko ang inyong kapayapaan.

Advertisements

2 thoughts on “Para sa Aking mga Binibisita

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s