Naisip ko lang, malapit ko ng mapuno ang alkansiyang gawa sa mineral water na minsan natambak sa bag, ano ang bibilhin ko?
Puro tigpipiso [lang naman] ang laman nun. Puro makikintab na tigpi-piso ang laman nun. Ewan ko ba at bakit nabighani ako sa kintab ng mga bagong barya kaya parang nanghihinayang ako kapag ipinambabayad ko sila. Pwede na ako sa pshychia ward noh? OC.
Dahil 500ml bottle lang yun, nasa 200 pesos lang yata tantya ko. Naisip kong sa isang taon kong pagpuno sa alkansya, dapat ay may justice ang pagkakagastusan ko.
Kaya itataya ko siya sa lotto.
Ni sa swertres nga hindi ka nanalo.
Ibibili ko ng cam!
Anong cam? 200 pesos? Camera?
Eat all you can na hapunan!
Tumataba ka na sabi ni Sam.
Ibili ng libro sa Booksale!
Selfish! Mag download ka nlng ng pdf.
Ibili ng bagong wallet!
May ilalagay ka bang pera?
Reregaluhan ka naman ni Danica, sabi niya.
I-donate sa simbahan.
Masyadong Passive ka na naman.
Sa iilang minuto kong pagmumuni-muni [tinamaan ng ka-emohan], naisip kong why not give it to others. Isang *ting* bright idea! Pero paano?
Kaya nitong umaga, nang mapadpad ako sa post ni bagotilyo, Ang project burger. , naisip kong bakit hindi ko subukan dito sa Cebu. Hindi naman ako nabigo at may apat agad akong naimbitang samahan ako. Sana nga ay maging matagumpay ito. Plano kong sa kahabaan ng Jones Avenue / Osmeña Boulevard kami maglalakad-lakad. Bonding na rin naming barkada. Parang jogging na rin pantanggal ng bilbil.
Ngayon pa lang naaaninag ko na
Ang kislap sa mga mata
Na magagawa ng makikintab na barya.
Ang ngiti sa kanilang mga labi,
Ang tamis ng pasasalamat,
Ang gaan ng loob
Ang di mapantayang kaligayahan
Maipahayag ang Kanyang Pangalan.
post some pictures if you can. 🙂 We’d love to see their faces. 😉
😉 sure! para may ebidensya akong tinupad ko talaga ito. 😀 maghahanap ako ng camera.
yung pakiramdam na ikaw yung ngbigay pero ikaw yung mas nakaramdam ng kaligayahan.. That priceless moment.
namiss ko bigla ang kapaskuhan sa aming tindahan. nagbibigay kami ng supot ng candies sa lahat ng mga batang customer namen tas groceries o kaya tasa/baso/towel sa mga matatanda (na ang tagal magbayad ng utang haha) tas nagugulat na lang kami kasi pati mga bata sa kabilang barangay dumadayo sa tindahan para sa candy! haha :))
kung tumatanggap ka ng ambag, mag-aambag ako kulig! sabihin mo lang!! hehehe:D
wow! syempre naman! tumatanggap ako ng kahit anong ambag! kahit candy, pwede na. 😀
teka sasabihan ko na si mama na magtabi ng candy para sa inyo. haha 🙂
good luck sa hangarin mong makatulong sa iba ngayong pasko, masarap talaga sa pakiramdam ang makatulong sa iba 🙂
Pingback: Project Burger (update 1) « realdale