Beautiful in my eyes

 

Isa ito sa pinaka hindi ko malilimutang kanta. Hindi dahil sa may meaning ito o kung anuman, it just brings back all those memories. (wala talagang meaning!) Memories lang.

 

Harana. Maganda itong kanta para dun. Kaya kinanta  tinula ko ito sa kay M summer ng 2004. Ang tagal na diba? pero tandang tanda ko pa rin. Syempre. 😀 Doon ko unang nalaman ang buong lyrics ng kanta. Kailangan eh. Required sa camp. For fellowship naman din. Para magkakilala kaming lahat.

Siguro hindi na rin ako naging masamang ka date. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Simple siya. Kayumanggi. Maiksi ang buhok, sumasayad hanggang sa balikat. Masasabi kong maswerte ako at naging kapareha ko siya sa gabing iyon. Parang nanalo ako sa raffle draw. [bunutan din naman kasi talaga ang pairing] May narinig pa nga akong ka-brad sabi gustong makipagswap. Pero sinabi ko sa kanyang wag mag-alala. Good boy naman ako. [minsan]

Isang hindi ko malilimutang sinabi niya sa akin ay kung gaano niya kamahal si Lord. Anak [yata] siya ng pastor o isang elder sa simbahan. Matibay siya. Pinakinggan ko lang siyang magsalaysay ng life story niya. Ganun lang naman talaga yata ako. Hingahan ng mga nagda-drama. Wala rin akong imik. Parang unan nya lang. [pero hindi ako huggable, buto-buto lang din]. Ayos lang. Sa isip ko, humanga ako sa kanya. Paghanga. Tama. Yun lang.

__________________

Hanggang ngayon hindi ko malilimutan ang kantang ito. Parang naging theme song ko na rin sa limang araw sa paraiso.

Higatangan Island, Biliran

Isa ring dahilan kung bakit naisipan ko naman muli ang lahat ng ito ay ang nautingkay kong video sa facebook. Version ko ng Beautiful in My Eyes.

Hayaan niyo na ang boses. Speech class naman yan kaya mas focus sa pronunciation. 😀 at tama kayo, hindi ko kabisado ang lyrics. Mukhang nag-enjoy naman si mam. Pinaabot pa niya hanggang chorus.

Kung di niyo ma open ang link. Magpasalamat na lang kayo at hindi [pa] umulan.

 

 

 

Advertisements

14 thoughts on “Beautiful in my eyes

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s