Maraming Salamat Teacher!

Maraming salamat!

Sa teacher ko nung Grade 1,

-na matiyagang naglalagay ng 100% sa mga papel na puro linyang pahalang, patayo, pa slant, kurba, at kung ano pang trip niyang ipagawa.  95% pa rin kahit maraming erasures gamit ang laway.

– sa pagsisindak sa amin gamit ang iyong mahabang stick na kawayan kaya’t kami’y nagpupursiging ayusin ang pagsulat.

-sa palagiang pag-inspect kung malinis ba ang aming kuko. (Hands on the table! tuwing lunes)

-sa pagtuturo sa aming magbasa. na kahit anong makitang label ay binabasa na namin.

 

-sa krismas party naming ikaw lahat ang naghanda.

-sa pasenya niyo sa ingay at kulit naming mga bata.

____________________

Sa teacher ko nung Grade 2,

-sa malumanay niyang boses

-sa maganda niyang penmanship na hindi ko makuha-kuha

-sa pagpapauso ng class program araw-araw kung saan may tatanghal sa harapan. pampagising ng natutulog na dugo, pampatanggal ng hiya.

___________________

Sa teacher ko nung Grade 3,

-sa pagturo kung paano gumawa ng excuse letter

-sa pag-iimprovise ng CR gamit ang arinola para hindi na kami lumabas ng classroom

-sa mga artwork mong kinamamanghaan namin

-sa mga papremyo mo sa mga nagpaparticipate

-sa pagpapatawad nung tinawanan ka namin ng walang dahilan

-sa pagpapatawad nung nahuli mo kaming naglalaro sa baybayin

-sa pagpapa memorize mo ng multiplication table

________________

Sa teacher ko nung Grade 4,

-sa malakas mong boses na nagpapanatiling gising sa amin.

-sa pagtuturo mo ng science in an interesting way

-sa pagtrain sa akin para ipanlaban sa science quiz

-sa pag-aalaga sa akin nung suka ako ng suka sa byahe natin papunta sa division level ng science quiz

___________________

Sa teacher ko nung Grade 5,

-sa pagiging-strikta niyang nakapag-tame sa mga sungay namin

-sa pagpapatupad ng batas militar na pagtawag ng ate at kuya sa mga nakatatandang kaklase namin

-sa pakikipagkontak sa baranggay kapitan upang gawan ng temporary classroom ng masira ng bagyo ang room natin

-sa pagpapauso ng pag-kiss sa manito/manita😉

____________________

Sa teacher ko nung Grade 6,

-sa pagbabahagi ng mga inspiring life stories mo sa amin

-sa pagpapaumanhin mo tuwing may matitilamsikan ng laway mo kapag nagtuturo

-sa pagpapaintindi ng english grammar (subject verb agreement)

-sa pagtatyagang pag-organisa ng graduation namin

-sa panlilibre ng banana cue

________________________

Sa mga high school teacher ko…

 

Sa aming First year class adviser,

-sa pagbibigay responsibility at pagtuturo ng independence at initiative

-sa madalang na sermon kahit hindi namin nagawa ang aming daily routine

-sa panantiling nandyan kahit sa dami ng problema mo sa buhay

_________________________

Sa aming Second year class adviser,

-sa pagiging kaibigan, kakampi, kaaway (minsan), at sa mga love advice

-sa pagtuturo kung paano magsulat, at pagkumbinsi sa akin sa school paper

-sa mga oras na kasama kita sa mga press con kung saan saan

-sa pagpapauso ng journal na naghasa sa pagsusulat namin

________________________

Sa aming Third year class adviser,

-sa pagtuturo ng salitang Filipino

-sa pagbabahagi ng iyong masasaklap na life story na pwedeng pang MMK

-sa pagpapagawa ng book reading report na nagpilit sa aking makadiskubre ng magagandang akda

-sa pagpapauso ng role play na nagpilit sa aking pagiging tagasulat ng script

-sa parating pag-eencourage sa akin

________________________

Sa aking Fourth year class adviser,

-sa pagdisiplina sa amin at pagpapaalalang “you only hate our attitude, not the totality of what we are”.

-sa pag-iencourage sa aming maging malinis

-sa pagturo sa aming sumayaw ng mga pang ballroom

-sa pagturo sa aking maging OC

-sa pagpapahiram ng mga PE equipments tuwing lunch break at pagkatapos ng klase

-sa pagpapatikim sa akin nga alak (at pagturo na hanggang tikim lang dapat kasi masama ito)

-sa pag-organize ng di malilimutang graduation

__________________________

Special thanks to:

Grade School Principal,

-sa pagpapamartsa sa amin pagkatapos ng flag ceremony para walang tulakan papuntang classroom

-sa pagput-up ng goal, volleyball court at basketball court  sa field

-sa pagpapaalalang delikado akyatin ang puno ng mabolo at pagsabing makati ang bunga nito

-sa pagbibigay sa amin ng sobrang pagkain tuwing may mga bisita

______________

High School Principal 1,

-sa pagbibigay sa akin ng extra babasahin at libro

-sa pagpapaluhod dun sa mga sumusobra na sa pagiging troublemaker

-sa pagpapatira sa bahay niyo nung na stranded kami galing sa presscon

-sa pagtataguyod muli ng school paper naming “The Hillside Echo”

-sa pagsuporta sa adhikaing ilagay ang eskwelahan namin sa mapa

______________

High School Principal 2,

-sa muling pagbabalik sa aming skwelahang una mong inumpisahan

-sa mga joke mong nakakatawa

-sa mga pagrereto ng mga love teams

-sa suporta tuwing may school activity

-sa patuloy na pagpapalakad niyo sa skwelahan hanggang ngayon

________________

High School Principal 3,

-mabuti naman at umalis ka na.

_________________

History teacher,

-sa mga korni at kwela mong jokes

-sa mga witty lines at quotable quotes

-sa pagturo ng radio broadcasting kahit hindi kami nag-iimprove

-sa pagtulak para maging orator ako

-sa mga advice, maging sa buhay at pag-ibig

________________

Geometry/Trigonometry teacher,

-sa pagpapadali ng math

-sa pagiging game at fair  maging judge sa mga pa contest

________________

TLE Teacher,

-sa lakas ng loob na kainin ang niluto naming carrot cake na parang tikoy

-sa pagturo sa aming manahi at gumawa ng pajama! (na hindi ko naman nagamit)

-sa pagturo tungkol sa pagtatanim ng gulay

________________________________________

Sa aking First Teacher, si Mama, na teacher din by profession,

-maraming salamat sa hindi pagpi-pressure sa aming mag-aral at pagiging kuntento sa kung ano ang kaya namin

-sa pagbibigay ng baon na sakto lang para matuto kaming magpahalaga ng pera

-sa paggising ng maaga

-sa lahat lahat na…

______________

No Engineers,

No Doctors,

No Lawyers,

Without a TEACHER!

(photo from http://www.5oct.org)

 

 

Happy world teachers’ day!

 

2 thoughts on “Maraming Salamat Teacher!

  1. ahhh, so taga labangon ka??
    sa labangon ko nag school before (elementary ug hayskul🙂
    bcn skulmate rah tah or sumthing…amazing!

    happpy teacher’s day! makes me happy kay way clasee! hahah

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s