Jeepney Manners

Siguro lahat naman tayo ay nakasakay na ng jeep. [ewan ko lang sa mga ipinanganak na mayaman kung na-try nila]

Tanong:  naging mabuti kaya tayong pasahero? o isa tayo sa mga sakit sa ulo?
Narito ang iilan sa mga kagandahang asal [at sermon] kung nakasakay ka ng PUJ:

1. Be RESPECTFUL. Respect begets respect. Sabi pa nga ni Bea Saw (PBB Season 2 big winner) : “Ang respeto hindi yan ini-IMPOSE! ini-EARN yan!” Matutong rumespeto sa kapwa at ng respetuhin ka rin nila. And by the way, paglabag sa respeto ang paninilip ng text ng ibang tao. tsk

2. Say PLEASE. Mas nakakaganang mag-abot ng bayad lalo na kung nakikiusap ang kapwa mo. Tandaan, patas lang kayong lahat kasi pareho lang kayong nagbabayad sa inyong pagsakay. Kaya matutong magsabi ng Please. Hindi mo yan mga alalay.

3. Say THANK YOU. Para naman sa mga nagpapaabot ng pamasahe, matuto din naman sana tayong magpasalamat sa pagtanggap nila ng pamasahe. Bilang kabayaran nalang sa TIME, EFFORT and ENERGY sa tumanggap. Ilang calories din ang na burn nila sa pag extend lng nga kamay nila.

4. Be PATIENT. Kung nagmamadali ka at sobrang bagal magmaneho ni manong driver, makupal masyado kaka-pick-up ng pasahero, na trap ka sa trapik tapos malapit ka na ma late, wag masyadong reklamador! Mag TAXI ka! hahaha Ang lakas mong mag jeep eh hindi ka naman pala makapaghintay!

5. Be THOUGHTFUL. Kung mayroong disabled, matanda, buntis, or kung sinong nahihirapan, please lang umusog na at ng hindi na sila mahirapang yumuko-yuko pa papunta sa dulo. Hindi rin madali ang kanilang sitwasyon. Kayo kaya!

6. Be ASSERTIVE. Assertive ha, hindi AGGRESSIVE. Matutong magreklamo kung alam mong nasa lugar ka. Wag talak ng talak. Demanding ka na!

7. Be UNDERSTANDING. Huwag ka namang magmura kung balatuhan ka ni manong drayber ng ilang metrong lagpas, concerned lng siya sa safety mo [at sa penalty niya kung kahit saan lang siya hihinto]. Ayaw nyang magkapera na naman yung traffic enforcer. Be understanding din sa ibang driver na kailangan ng HEARING AID, lakasan mo nalang boses mo. Sa totoo lang medyo mahirap marinig yung boses ng pasahero dahil sa ingay ng makina ng jeep, at kung minsan sa SOUND system mismo ng jeep! (Manong, pwedeng sakto lang ang volume? Hindi naman to disco bar?)

8. Observe CLEANLINESS. Wag naman sana magkalat. Alam nyo naman siguro ang kaibahan ng DUMP TRUCK at JEEP? May basurahan naman dun mo nalang itapon. Kung wala naman, bitbitin muna. Saka muna itapon kung may makita kang basurahan. At hindi po basurahan ang kanal at mga singit ng upuan. Paalala lang.
Remember: “Cleanliness is next to Godliness.”
“Dirtyness is next to UGLINESS! haha

9. MAGBAYAD NG SAKTO. Wag mandaya. Maawa ka sa sarili mo. Mahirap ka na nga, dignidad nalang sana ang magkaroon tayo.   God is watching us. Matindi pa yan kaysa ni Big Brother. Hala ka sa penalty, hala ka!

10. SMILE. Wala nang mas kaayaaya pang tignan sa tamis ng iyong ngiti.  “A smiling face makes this world a happy place”.🙂  [wag lang sobra ha baka maisip ng manyak na nasa harap mo kung ano na]

 

5 thoughts on “Jeepney Manners

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s