Bakit Single ka?

Malapit na naman ang pasko (97 days nalang!). Miyembro ka pa rin ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko). Wala kang kayakap kundi ang unan mong nangangamoy laway.

Base sa aking survey [gm sa text na mabibilang lang ang nagreply], narito ang iilan sa common reasons kung bakit nananatiling single ang isang tao.

1. TRIP LANG

Being single is a choice daw. Trip trip lang. Ayaw lang nya talaga magkarelasyon. May angal?

2. TORPE (for boys)

Single ka dahil may minamahal ka na hindi alam ang nararamdaman mo. Paalala:  “paano kayo magiging TOGETHER, kung hindi ka gagawa ng paraan TO-GET-HER.” [napulot ko lang din to kung saan]

3. WALANG NANLILIGAW (for girls)

Maganda. Sexy. May trabaho. Mabait. Nasa kanya na lahat. hmmm She couldn’t have it all: zero ang lovelife.

Siguro intimidated lang ang mga lalaki. Baka may ibang reason. [may BO or anything]. Advice ko: ikaw na ang manligaw! haha On a serious note, true love waits. Hintay hintay din. Tiwala lang. On the meantime, make yourself lovable. Show your lovable side.
 
4. STRICT ANG PARENTS
 
Weh? Ay sus! Wala yan sa kung gaano ka strikto ang parents! Kadalasan pa nga kung sino yung strikto masyado ang parents, siyang nagrerebelde. Nasa sa’yo lang talaga yan. Ikaw mismo ang ayaw ng karelasyon. Mabuti yan, mabait na bata. Ipagpatuloy ang pag-aaral.
 
5. PLAYER
 
Isa sa mga reasons kung bakit single ka ay dahil you don’t like commitments. Fling lang lahat. Be careful though. You play with fire. Chances are, you’ll get burned. [ang lalim!]
 
6. CHOOSY
Ang daming criteria. Maraming requirements. Ang ending: walang pumapasa. Tandaan: don’t look for the PERFECT person, time, place, or whatsoever; instead, love someone that would make you feel PERFECT.

7. STUCK IN THE PAST

From a relationship which ended badly. You fell in love, fell really bad that you got hurt so much. MOVE ON! You know you deserve better than that.

8. CHAKA

uhm, Belo you like? hehehe joke lang.

Sa totoo, magpakabait ka. Kung hindi ka talaga gaano kaganda/gwapo, bumawi ka nalang sa ibang aspeto. Magsipag. Magpakabait. Be caring. Hindi yung hindi na nga maganda ang mukha, pangit pa ang ugali. Darating din yung taong makakakita sa “the beauty in you”. [ipatanggal mo yung eyeglasses nila. :p]

9. HOPELESS ROMANTIC

Palagi kang nasa teleserye. Yung karakter na “inlab sa tao na inlab sa iba”, o di kaya “inlab sa taong kaibigan lang ang turing sa’yo”, or kapag part ka sa love triangle, at hindi ikaw ang pinili. Mga sawi sa pag-ibig. Mapait. tsk.tsk.tsk. Gayunpaman, life goes on.

_____________________

May kanya-kanya tayong mga reasons kung bakit single pa tayo. Hindi minamadali ang pag-ibig. Pwedeng hintayin, pwedeng hanapin. Ang totoo, nasa paligid natin ito. Nasa mga simpleng bagay. Matagal man itong dumating, pwede mo namang salubungin kung atat ka.🙂

lakas maka emo!

Ikaw, bakit single ka?

3 thoughts on “Bakit Single ka?

  1. shete! nagkasabay-sabay ang pagtagas ng dugo ko sa dami ng saksak sa mga nakalagay dito. pag single ka at tinamaan (tulad ko) baka mamatay ka sa hemorrhage bago pa maubos ang 97 days bago pasko (naks sa countdown!)! hehe
    salamat ulet sa pagfollow sa walang ka-torya toryang kong blog, brader! new fan here! *virtual haypayb sa’yo!*

  2. To answer your question, single ako kasi soul searching stage pa. Agree! ‘Di yan hinahanap, it will eventually come at the right place, at the right time with the right person. Good job brader, good job!🙂

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s