Walang Ulan, Salamat

Mula pagkabata ko ay palaging umuulan ng malakas tuwing birthday ko. Malimit may bagyo pa nga. Baha, brownout. Yung tipong mapapanis lang ang handa dahil hindi rin naman nakakarating ang mga bisita. Pero ngayon, wala na.

Padalang ng padalang ang ulan sa araw ng birthday ko. Hinintay ko talaga whole day kahapon ang ulan. Makulimlim, pero wala. Ni isang patak. Himala! Pero parang namiss ko ang buhos ng tubig. Bukod sa makakatipid ako sa pang blow out, gusto ko rin talaga ang ulan.

Bakit kaya ganito? Ewan ko kung may ibig sabihin talaga ito o kung pana-panahon lang talaga. Pero maulan naman talaga ang setyembre dba? Bakit ngayon lang hindi ako inulan?

Kadalasan konginihahambing ang ulan sa grasya na natatanggap ko. Ibig sabihin ba nito, wala na? Kung meron man, hindi natuloy?

Gayunpaman, ipinagpapasalamat ko ng buong puso ang isang taong ipinagkaloob sa aking muli.  Nawa’y kasiyahan Niya ang aking mga gawi.

Salamat na din sa lahat ng bumati sa akin sa facebook, twitter, texts, personal, tawag, at kahit sa mga isip lang nila.

Sa natatanging taong nagbigay ng materyal na regalo, maraming salamat.

Sa mga barkada kong nagsponsor ng cake, thank you.

Sa nag-alay ng mga panalangin, salamat.

Sa mga kinantahan ako ng happy birthday, salamat.

Sa mga hindi nakarating sa pa blow out ko, salamat at nakatipid ako.

Sa nagdala ng camera para may documentation ang birthday ko, salamat.

Sa mga nagdonate ng cash at in kind, salamat.

Sa mga gustong magpalibre pero hindi ko nilibre at hindi nagalit, salamat.

Sa mga fans ko (kung meron man), salamat.

Maraming maraming salamat po.

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s