Mga Uri ng Bwisita

Isa sa mga uncomfortable situation para sa akin ay yung kailangan kang mag entertain ng bisita. Sa aking likas na pagkamahiyain, napakahirap ang makihalubilo lalo na sa mga taong hindi mo masyado kakilala. Sa aking pagmamasid, heto ang iilang klase ng mga bwisita.

1. Demure

Sila yung tipong ang sarap hilahin para lang pumasok sa bahay. Yung parang gusto mong subuan para kumain lang ng pagkain nyo. Kadalasan dito yung mga first time na bumisita, o kaya naman yung may mga mas nakakatandang matulis tumingin. Ang maganda sa kanila, wala sila masyado reklamo. Walang demand. Walang imik.

2. Entertainer

Sila yung mga nagpapasaya sa handaan. Malimit na kumakanta ng mga kwelang kanta sa karaoke, sumasayaw ng parang nasa disco lang, at may baong isang drum ng jokes at one-liners. Gusto ko palaging nag-iimbita ng mga ganito. Libre clown na din.

3. Habhab

Sila naman yung kayang lunukin ang kalahati ng lechon. Yung nag-uumapaw ang plato sa dami ng kinukuhang pagkain. Sa kabutihang palad, nauubos din naman. Kung hindi masyadong malaki ang handa, mas maiging huwag na silang imbitahin. Masama silang mabitin.

4. Take Out

Ito yung pinakalider sa kakapalan ng mukha. Yung tipong may bitbit na tupperware at plastic. Dumadating sa handaan, kumakain, at nagte-take home! Kung nagpaalam man, huli na o kaya’y hindi na mapipigilan at matatanggihan. Ang masama pa sa kanila, choosy at maraming requests. Kung maka-critic sa mga luto! Parang inspector ng restaurant.

5. Late Comers

Iito yung tipo ng mga bisitang kadalasan ay tinatabihan ng pinakamasasarap na pagkain. Sila yung dun na talaga kakain sa buffet table. Kung minsan nga, sa kanila lang isini-serve ang mga mamahaling seafoods at desserts. Ewan ko kung sinasadya nilang huling dumating dahil ayaw nila ng maraming kakumpitensya sa hapag. Basta alam ko, kadalasan silang mga VIP o kaya’y boss ng magulang mo.

6. Early Bird

Hapunan ang imbitasyon pero takipsilim pa lang, andun na sila. Sila ang pinakaunang makakahawak sa mikropono ng karaoke. Sila din ang kadalasang nakapwesto sa sala. Ang mabuti sa kanila, may iilan na tumutulong sa paghahanda ng mesa, at kung anu-ano pa. Ayos lang sa kanila kahit hindi sila maunang kumain, masaya na silang naimbita sila. Kadalasan, sila yung mga kapitbahay na kapitbisig na tumutulong sa inyo.

7. Uninvited

Gate crashers. Mga inimbita ng mga imbitadong tao. Second in rank sa kakapalan ng mukha. Kadalasan, by batch pa ang dagsa nila. Maramihan, pami-pamilya. Hindi naman sila lasing pero ang lakas ng loob na kumuha ng plato at pagkain. Ni hindi pa nga minsan nakuhang mag-‘hi’ o maggreet sa nagbi-birthday. Barubal talaga.

Siguro ay marami pa kayong alam na ibang klase ng mga bwisita. Hindi mawawala yung mga may dalang mga bata na nagkakalat ng pagkain, yung mga hindi kumakain ng baboy, yung mga vegetarian, yung mga diabetic na numero uno sa mga desserts, yung mga malakas ang loob na nagbubukas ng ref, yung mga camel kung laklakin ang softdrinks, yung hindi inuubos ang pagkain, at yung mga may masasamang intensyon at panggulo.

Wala na. Inimbita mo sila eh. Handaan mo yan. Ang magagawa mo na lang ay ipakita ang tunay na kahulugan ng hospitality.

8 thoughts on “Mga Uri ng Bwisita

  1. Natuwa ako sa blog post na ito. Halos lahat ng nailahad mo ay katangian ko. Dumedepende lang ako siguro sa naghahanda o nag-imbita. Kung kasanggang-dikit ko na, makapal ang mukha ko. Pero kung hindi naman, marunong akong gumalang at makisama! Hahaha. Namiss ko ang High School friends ko! Astig!🙂

  2. Naalala ko one time kumain ako sa isang birthdeyan. NI hindi ko nga kilala kung sino yung may birthday eh. haha. anyway, hindi na rin kami paawat kasi pinapasok na kami eh.🙂

  3. hahaha, aliw much! Agree ako dito hahaha…pero gusto ko yung mga friends ko talaga na feel at home haha, naghuhugas din ng pinggan🙂

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s