Funny Nursing Student Moments

Isa sa pinaka-nakaka-kakaba-kabang (ang haba!) nagaganap sa nursing student life ko nuon ay ang RetDem o return demonstration. Kung saan, ipapademo ang isang skill na itinuro sa inyo ng guro niyo upang sukatin ang kasanayan. Mula sa pinakasimpleng handwashing, bedmaking, vital signs taking hanggang sa nakakapagod na CPR at mga advanced na skills ay may mga hindi malilimutang kapalpakan talaga. Narito ang ilan.

  • Eveready!

Sa isang ret dem tungkol sa Defibrillation [yung may dalawang pad na kinukuryente yung pasyente, madalas sa teleserye]

Student 1 : Everyone stand clear!!!

[umatras na lahat]

Student 1: I’m ready. You are ready.

Student 2: Eveready! (battery ba ito?)  [dapat kasi, imbes na ready, clear. Clear!]

  • Shocked!

Parehong retdem pa rin.

Student 1: Everybody stand clear!!!

Student 1: I’m shock. You’re shock. Shock!

CI (clinical instructor): [na shocked].

  • Cover your mouth!

Sa ward, kasalukuyang nag-iinsert ng catheter sa isang lalaking pasyente ang isang babaeng student nurse.

Student: Sir, mag-iinsert na po ako ng catheter. Ipapasok ko na po. (hawak hawak ang lupaypay na organ ng lalaki at ang catheter)

Pasyente: Aray!

Student: Sorry po! (habang nakatakip sa bibig ang dalawang kamay!) 😀 [kadiri!]

  • Oh yes! More!

Sa labor room, may isang magandang mestisa ang iyak ng iyak sa sakit. Bilang mababait at concern na studyante, pumasok kami para i comfort. Nag-offer kami ng backrub. Simpleng pagmamasahe sa likod ng buntis.

Mestisang buntis: Oh yes! Ayan! Oooh! Sige pa! Ahhh. Sige pa. Idiin mo! Ahhh. Yan. Sige pa! Oohh!

[Ano to?! Porn?]

  • Unsterile

Sa isang public hospital, sa loob ng operating room, habang may batang inooperhan sa tiyan…

Circulating Nurse: May langaw!!

Doctor: Palabasin niyo!

Nurse 2: Dumapo sa mga instruments! Unsterile! Palitan ng bago!

Doctor: Nasaan na?

Nurse 2: Andun doc! Sa intestines doc!

Batang inooperahan: (tulala at litong lito) Anong nangyayari? [habang hawak ang bukas na tiyan!]

Nurse 2: Unsterile! [palitan ng pasyente?] 😀

__________________________

Marami pang mga nakakatawang mga kaganapan ang nakatago sa mga unipormeng nagpuputian. Mula sa mga pasyenteng engot, talakera, sosyalera, mahadera, tsansingero, tsikadora; mga doctor na sadista, aktibista, strikta, inglesera; at mga kapwa nurse na sabog, bakla ang bibig, feelingera, tatanga-tanga at iba pa. Patunay lamang na sa likod ng stressful situations, andyan pa rin ang saya at  nakakatuwang mga eksena.

Advertisements

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s