Mahal mo o Mahal ka?

Gusto ko siya. May gusto siyang iba.

 

Gusto niya ako. Pero sa kanya, wala akong gusto.

 

Patuloy ko siyang iniibig. Dumidistansya. Sa malayo, nagmamasid.

 

Patuloy ko siyang pinapaasa. Alam kong nariyan lang siya.

 

 

Gusto kong ipadama sa kanya na mahal ko siya

 

Dama kong mahal niya akong talaga

 

Sana makita niya kung gaano siya sa akin kahalaga

 

Pero ayokong sakyan lang siya para lumigaya.

 

Sana mapansin niya ang aking mga mumunting sakripisyo

 

Sana maintindihan niya kung gaano kahirap ito.

 

Ang mga bagay na ginagawa ko para sa mahal ko.

 

Ang sabihin ng harapan na ayoko sa iyo. 

 

Hindi na yata bago sa eksena sa teleserye ang love triangle, kung minsan square pa nga. Nariyan parati ang ‘agawan-shota’ na laro. May isang karakter ang inlab sa isa pa na inlab din sa isa pang inlab naman dun sa pinakaunang nabanggit. Magulo. Ganun din naman talaga.

Image

May mga tao namang mas gugustuhing piliin ang taong nagmamahal sa kanila, kahit na hindi nila ito ‘mahal’. Wika nila, “matututunan ko rin siyang mahalin. Mas mabuti ito, matutupad ko ang pangarap nila.” Hindi raw iyon sa pansarili nilang kaligayahan. Sana lang masilip nila paano kung hindi nga nila magustuhan iyon? Pagpapaasa lang din ang kaya nilang gawin. Sa huli, at least binigyan ng chance. Yun nga lang, nagkasakitan na kayo ng loob.

 

May mga iba na pinipiling mahalin ang mga taong mahal nila. Maligaya na raw sila sa pakiramdam na nagbibigay sila ng pagmamahal. Pero sa likod ng mga ngiti, hindi maikakailang mas masarap pa rin sana kung ang taong iyon ay nakakatanggap ng sukli. Pagpapantasya at pangangarap lang yun. Pero masisisi mo ba sila kung sa tingin nila’y ‘umiibig’ na nga sila?  

 

Sa isang nasaksihan kong patimpalak, natanong ang isang contestant kung ano ba daw siya sa isang relasyon: ‘giver or taker?’ Hiyawan ang lahat ng audience sa sagot niyang out of nowhere pero may punto. Sabi niya, “ I would consider myself a giver. (pause ng 3 seconds)… because it is better to give than to receive. (pause ng 1 minute). Thank you.” Sa sagot niyang iyon, hindi siya nanalo. 😀

 

Sa huli, pinakamainam pa rin ang magmahal sa taong mahal ka rin talaga. Love is mutual. Give and take. Parang seesaw. Kailangan may katapat para masaya at hindi ka magmukhang tanga.

Image

Ikaw, sino ang pipiliin mo? Ang mahal ka? O ang mahal mo? 

Advertisements

2 thoughts on “Mahal mo o Mahal ka?

  1. May narinig lang ako minsan na isang sermon sa church. Ang sabi: Love is giving and giving and giving. Siguro yun yung love in general. Yung kahit ang mga taong hindi ka mahal, ibibigay mo dahil mapagmahal kang tao. Hindi ka naghihintay ng kapalit.

    Nakakaaliw.

  2. Love is like the blood running through your vessels… sufficiently oxygenated when properly pumped…

    Once oxygenated, the whole body is nourished, protected, all systems on the go…

    Once blocked… ischemia sets in, infarcts expected, avascular necrosis will cause system failure…

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s