RN na ‘ko!! What now?

 

Isang orgasmic na pakiramdam ang makapasa sa board exam! Parang kinukuryente ng 300 Joules ang katawan mo sa tindi ng saya! Walang pagsidlan ang galak. Euphoric!

Ilang araw ka ding lulutang sa ere. Yung feeling na hindi pa masyadong nag sink in sa sarili mo na ‘RN’ ka na nga. At kapag dumating ang oras na oriented ka na ulit sa reality, dun mo maiisip: ANO NA?

 

  • Celebrate!

Party party ng todo! Bawiin ang lahat ng bagot at stress sa kakahintay ng results. Ok lang na ipangalandakan sa buong baryo na pasado ka. Magpagawa ka na ng tarpaulin. Lakihan mo at isabit mo sa harap ng bahay nyo! At huwag mong kalimutan, magpakain ka! May iba ngang nagpapalit pa talaga ng pangalan sa facebook. Juan Dela Cruz RN.

 

  • Give Thanks!

Pasalamatan mo lahat ng nakatulong sa iyo. Ang Panginoon, unang-una. Ang mga magulang mo; ang mga nagpahiram ng reviewers, notes; ang mga nagdasal para sa iyo; mga ever supportive friends; ang review center; ang eskwelahan mo; yung aso mong pampawala ng stress, lahat lahat. I, thank you.

 

  • Register.

Alamin ang schedule ng registration mo sa PRC office kung saan ka nag-apply for board. Maghanda ng pera (na naman!) para pang register. Mga Php 1, 500 din siguro lahat magagastos mo. Kasali na dun pamasahe at kung anu-anong mga papeles kailangan, pati na snacks at malamig na tubig na kailangan mo habang pumipila.

Kung may extra time at pera ka, pwede ka na ring mag register sa PNA (Professional Nurses Association). Pang extra valid ID na din yun.

 

  • Prepare Important Documents

Ihanda na lahat. Diploma, Transcript of Records, NBI clearance, cedula, SSS E-1 form, NSO birth certificate, mga ID, certificates, recommendation letters, etc.

 

  • Set Target Hospitals.

Maiging mag-usisa sa mga magandang ospital na pwedeng ma-applyan. Mag-roving ka sa mga hospital at alamin ang mga requirements, kung kaninong pangalan i-aaddress ang application letter, mga hiring schedules nila, at opportunity na mag volunteer (last option). Chance mo na rin itong makakumpara kung saan may mas magandang oppurtunity.😉

 

  • Attend Trainings

Mainam ito para mas marami kang mailalagay sa resume mo. The more trainings you attend, the more chances of winning! Siguraduhin lang na accredited ang mga instutions.

 

  • Have a Part-Time job.

Dahil cut-off na ang allowance at kailangan mo ang pera para makagalaw, mas mabuti kung may part-time job kang makukuha. Sakto na din yung kita sa pag-tutor ng Koreans at pagtuturo ng Ingles. Pwede mo ring subukang maging Kol Sener Eyjent. Malaki ang kita, pero draining nga din lang. Pero kung hindi ka pa nahihiya sa magulang mo manghingi ng pera at medyo nakaluluwag naman din kayo, humingi ka nalang. Pero, worth the experience din naman ito. Ang sarap kaya kapag pinagpaguran mo.

 

Isipin mong mabuti ang options mo. Don’t rush things.

 GOD answers prayer in 3 ways : 

HE says YES & gives you what you want. 

HE says NO and gives you even BETTER. 

HE says WAIT & gives you the BEST EVER.

 

 

Bago ko makalimutan, Welcome to the world of unemployment! Good luck!

4 thoughts on “RN na ‘ko!! What now?

    • sana nga. yung iba nga lumalabas ang pagiging flexible at pumasok sa iba’t ibang larangan.

      ‘ika nga ng isang dean namin, “nursing is where people are”. kahit saan ka, mayroon talagang oportunidad para maipamalas ang pagiging nars.

      sana ay mas paigtingin pa ang programa ng gobyerno para sa oversupply na ito.

      salamat sir jkul!

Be real. Spill it. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s